TODAS ang lalaking akusado sa panggagahasa at pagpatay ng 6-taon gulang na babae nang “manlaban” sa mga pulis nitong Lunes sa San Pascual, Batangas.
Sa report, galing sa Batangas City Prosecutor’s Office ang si Jay Albestor, 23-anyos, kasama ang mga pulis nang mangyari ang insidente 1:15 ng hapon sa may Barangay San Antonio, San Pascual.
Humingi umano ng tubig si Albestor sa mga pulis. Habang umiinom ay inagaw nito ang baril ng isang pulis.
“Nagkaroon ng putukan at tinamaan ‘yong isang pulis. Actually, sugatan ‘yong isa nating pulis at ‘yon naman kaniyang escort ay siyang nakapag-neutralize sa suspek,” anang Batangas Police Provincial Director, Col. Rex Malimban.
Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib si Albestor, habang sa braso naman ang pulis.
Noong Sabado, naaresto si Albestor at inamin nitong ginahasa at pinatay niya sa sakal ang batang babae sa Barangay Santa Maria, Bauan, Batangas.
Limang araw na nawala ang biktima bago natagpuan sa gubat ang naagnas nitong bangkay.
Pinaiimbestigahan ng Batangas Police kung nagkaroon ng kapabayaan kaya nangyari ang pang-aagaw ng baril ng salarin.
Makikita sa larawan na nakaposas si Albestor habang inieskortan ng mga pulis.
The post Nakaposas na rapist/killer ng 6-anyos ‘nang-agaw’ ng baril ng pulis, bulagta appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: