Facebook

Olivarez pa rin hanggang 2022 and beyond

KUNG ang 2022 presidential derby ang pag-uusapan, alam na ng apat na sulok ng media industry (print & broadcast) na walang iba kundi si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio ang isinusulong nating kandidato sa pagka-Pangulo.

Personal po nating krusada ito katuwang ang mga miyembro at organizers ng INDAY SARA DUTERTE AKO (ISDA) for President Movement na di naman sa pagyayabang ay binubuo ng kulang-kulang sa tatlong milyong miyembro worldwide.

Despite the pronouncement from the President himself, Tatay Digong Duterte na hindi tatakbo si Inday Sara na sinang-ayunan din naman ng IRON LADY ng South na si Mayora Inday nga, na di siya interesado sa presidency, naniniwala ang inyong abang lingkod na ang kagustuhan ng sambayanang Pilipino ang mananaig at mangingibabaw sa huli.

The People’s will will prevail.

Kung ‘continuity factor” ang pangunahing rason kung bakit kino-consider natin sa pagpili kay Mayora Inday Sara para humalili sa posisyon ng kanyang amang si President Duterte sa Malacanang, eto ring paniniwalang ito ang ating isinusulong sa lungsod naman ng workaholic Mayor Edwin Olivarez ng Paranaque City.

Ang maybahay nitong si ATE JANET OLIVAREZ ang ating iniendorso bilang kahalili ng kanyang esposong alkalde na nasa ikatlo at huling termino nito bilang punong lungsod.

Pagpapatuloy ng isang matapat at wagas na serbisyo publiko ang kinakailangan ng mga mamamayan ng nasabing lungsod lalo na ngayong nasa ilalim ang buong bansa ng isang salot na pandemya.

Ang pagbabago sa liderato ay tiyak na magdudulot ng malaking delubyo sa kapakanan ng sambayanang Paranaquenos.

Ang nakikita kasi nating malaking pangangailangan sa siyudad ng Paranaque ay ang pagpapatuloy ng uri at klase ng kalidad ng pamamahala sa naturang local government unit.

Isang masipag, tapat at mapagmalasakit na paglilingkod na may tatak pamilya OLIVAREZ na may ilang dekada ng nagseserbisyo at naglilingkuran sa mga Paranaquenos

Ang pagbabago kasi sa leadership sa city hall ay mangangahulugan na babalik sa square 1 ang lahat ng pagawain, programa at pamamalakad sa mga pangunahing bagay na sa ating pananaw ay hindi napapanahon at sadyang hindi dapat.

Immediate kasi at seryoso ang mga pangangailangan at concerns ng mga mamamayan ng siyudad na di puwedeng maantala o ilagay sa alanganin gaya ng pagsailalim TRIAL & ERRORS na posibleng harapin ng isang bago at disorganisadong rehimen sakaling makatsamba ang mga taong ang pangunahing layon lamang at agenda ay gawing personal at negosyo ang serbisyo publikong nakaukit na responsibilidad at tungkulin ng isang punong lungsod.

Kilala naman natin ang mga tinutukoy kong personalidad na nag-aambisyong agawin sa mga Olivarez ang timon diyan sa Paranaque City Hall.

Old corrupt familiar faces ika nga na mistulang mga recycle na lamang na bulok na pulitiko.

At this early, kung sinu-sino ng padrino ang kinukolekta at kinakalap ng dalawang grupong nag-aambisyong makuha ang Paranaque City City Hall.

Isa na nga dito ang pamosong Representante ng Taguig na si former Speaker Alan Peter Cayetano na direktang nag-iendorso sa ilusyong maging alkalde ni 2nd District ex-Congressman Gus Tambunting.

Isa si former Rep.Gus sa mga binabangungot na maging mayor ng siyudad ng Paranaque.

Aside from Gus Tambunting, sasabak umano muli si former Mayor Jun Bernanbe na pinakain ng alikabok ni Kuya Edwin last 2019 local elections.

Sabi nga ng mga Paranaquenos, walang kadala-dala itong itong si Boss Jun.

Ang tanong ng marami base sa pulso ng mga kababayan natin diyan sa Paranaque, ano naman kayang plataporma de gobyerno ang handang ilatad ng dalawang ito sa mga constituents ng siyudad?

Naalala ko tuloy ang mga eksaktong pahayag ni People’s Champ at Senador Manny Pacquaio sa isang exclusive media interview dito.

Sinabi ng boxing icon na ; “ang pangongobyerno ay hindi isang NEGOSYO!”

Malinaw sa naging pahayag ni Pacquaio na marami sa ating mga pulitiko ngayon dito sa Pilipinas ay pumapasok lamang sa larangan ng pulitika hindi para maghandog ng kanilang serbisyo sa mamamayan kundi payabungin ang kanilang ano mang negosyo meron sa kasalukuyan at maragdagan ang kanilang koneksyon sa bawat sangay ng pamahalaan.

Real talk ika nga ang binitiwang statement na ito ni Senator Pacquiao na batid at talos ng bawat Pilipino ang kahulugan at katotohanan.

This also reflects sa motibo at agenda ng ilang pulitikong nag-aambisyong makapamahay sa city hall ng Paranaque.

I used the word “makapamahay” dahil ang turing nila sa city hall na kanilang tanggapan ay personal nilang pag-aari at pamamahay na hindi para sa masang mamamayan!

Turf o kaharian na kanilang paghaharian!

Both Tambunting and Bernabe were given the chances to prove their worth as top local executives ng Paranaque but both failed miserably at saksi ang mga mamamayan ng Paranaque sa masakit na katotohanang ito.

May dahilan pa ba para ambisyonin ng dalawang ito na makabalik sa poder?

Meron po dear readers, KUWARTA, the so-called root of all EVILS.

I’m not saying na EVILS sina Boss Jun at Boss Gus ha, bahala na po kayong mga residente ng Paranaque ang humusga at magsabi!

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post Olivarez pa rin hanggang 2022 and beyond appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Olivarez pa rin hanggang 2022 and beyond Olivarez pa rin hanggang 2022 and beyond Reviewed by misfitgympal on Pebrero 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.