Facebook

Suporta kay Ermita

BAGAMA’T may walong buwan pa bago ang maghain ng kanilang kandidatura sa Commission on Elections (COMELEC) ang mga naghahangad na kumandidato sa ibat-ibang posisyon sa paparating na halalan sa May 2022, ay di na halos mabilang sa dami ng mga mamamayang nagpahayag ng kanilang pagtangkilik kay Lisa Ermita, ang bunsong anak ni dating Executive Secretary Eduardo R. Ermita.

Kung sa panahong ito na gaganapin ang eleksyon ay makikita ang napakalaking epekto ng pagkapag-endorso ng dati ring AFP Vice Chief of Staff na si Ed Ermita pabor sa kanyang bunsong anak na si Lisa Ermita na naging Executive Assistant nito nang nanungkulan itong Kalihim ng Department of National Defense (DND) noong 2003-2004.

Si Lisa ay nagtapos sa De La Salle University- Manila sa kursong Bachelor of Science in Commerce major in Management at naglingkod bilang Executive Assistance sa Department of National Defense (DND) kung saan ang kanya ngang amang si Ed Ermita ang siyang nanunungkulang Kalihim noong 2003-2004 . Siya ang naging taga-pangasiwa sa pag-aayos ng opisyal na mga dokumento sa DND bago pa man ito mabasa at mapirmahan ng kanyang ama.

Si Lisa din ang nakikipag-ugnayan sa mga tao na nais makipag-usap kay Secretary Ermita. Siya din ang nakikipagtalastasan sa mga matataas na opisyales ng militar maging sa mga heneral na namumuno sa DND tulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at maging sa Philippine National Police (PNP), Philippine Veterans Affairs Office at Office of Civil Defense.

Si Lisa din ang nanungkulang Executive Assistant ng kanyang ama sa Office of the Presidential Advisor on the Peace Process sa tanggapan sa Pasig City. Hindi rin matatawaran ang napakahalagang papel na ginampanan ni Lisa bilang Director sa opisina ni Ed Ermita nang manungkulan itong Executive Secretary ng Pangulong Gloria-Macapagal-Arroyo mula 2004-2010.

Bilang isang Director sa opisina ng Executive Secretary sa Malacanang Palace, si Lisa ang namamahala at nagtatalaga ng gawain sa administrative staff at sa legal team ng opisina. Ang resulta ng kanilang trabaho ay ipinagbibigay alam din kay Lisa bilang Executive Assistant. Siya rin ang nangangasiwa sa mga di pangkaraniwan at sensitibong proyekto sa tanggapan ng Executive Secretary na hindi maaring hawakan lamang ng ordinaryong empleyado sa administrative staff.

Kaya hindi nagkamali si Ed Ermita na piliin ang bunso nitong anak na si Lisa para siya namang humalili at magtuloy sa mga maiiwang mahahalagang tungkulin ng anak din nitong Congresswoman Eileen Ermita na matatapos ang huli nitong termino bilang Kinatawan ng First District para lalo pang mapaunlad ang kanilang distrito.

Bago pumasok ang taong 2021 ay ini-anunsyo na ni Ed Ermita ang kanilang suporta sa kanilang anak na si Lisa para tumakbong kinatawan sa First District ng Batangas, isang mahalagang konsesyon o kasunduang nabuo sa kanilang pamilya batay sa kahilingan na rin ng mga munisipal at lokal na opisyales. barangay officials, relihiyosong grupo at sibikong samahan na ipagpatuloy ni Lisa ang mga nailunsad nang proyekto ni Congressman Ed Ermita noon.

Ang serbisyo ni Ed Ermita bilang Kinatawan ng Unang Distrito ng Batangas ay naisalin nito sa pangtatlo sa apat nitong mga anak na si Eillen para maglingkod din bilang deputado ng kanilang distrito na na binubuo ng walong munisipalidad, ito ay ang Balayan, Nasugbu, Lemery, Taal, Calaca, Tuy, Calatagan at Lian.

Hindi ang larangan ng politika ang unang pangarap ni Eillen, ngunit dahil sa sa hangarin ng kanyang ama na huwag maputol ang paglilingkod ng mga Ermita sa kanilang distrito ay hindi na ito nakatutol pa nang hilingin ng kanyang daddy na tumakbo siya bilang Congresswoman at ipagpatuloy ang mga proyektong nailunsad na ni Ed Ermita.

Nakapagpagawa ng mga maaayos na kalsada, tulay, patubig, eskwelahan, si Ed Ermita para kanyang mga kababayan, nabigyan din ng kaalaman at suportang teknikal ang mga magsasaka, mangingisda, nagkaroon ng maayos na pamilihan kung saan makapaghahanap buhay ang mga magtitinda at negosyante at iba pang mga proyektong pang- imprastraktura at pang-ekonomya.

Dahil magtatapos na ang termino ni Eileen ay kailangang maipagpatuloy pa rin ang legacy ni Ed Ermita kayat napagkaisahan ng pamilya Ermita na ituloy ni Lisa ang paglilingkod na maiiwan ng kanyang Ate Eileen.

Napakarami at di na halos mabilang ang mga mensahe sa inyong lingkod at sa ating katotong mamahayag, lalo na kay veteran radio broadcaster Rommel A. Arguelles hinggil sa walang sawang pagsuporta sa mga Ermita ng mga lider politikal sa nasabing distrito.

Pagkat nagpahayag na ng kasiguruhan si Ed Ermita na ang bunsong anak nitong si Lisa na nga ang kanilang kandidato sa darating na May 2022 congressional Polls ay natural lamang na ang maging lagay ng loob ng mga mamamayan sa Unang Distrito ng Batangas ay nakatutok na nga kay Lisa Ermita.

Ito ang napalaking halaga ng band wagon effect ng pagka-endorso ni Ed Ermita na siyang namamayani ngayong political landscape sa Batangas First District, kung saan nakasentro ang suporta ni Ed ay naroon din ang suporta kay Lisa Ermita.

Si Ed Ermita ang pinaka-iidolong lider politiko ng mamayan ng kanilang distrito, kayat kung sino ang napili nitong pumalaot sa halalan para sa pagka-kongresista ay tiyakang siya ring itataguyod ng kanilang constituents. Kaya malinaw na, si Lisa Ermita na nga!

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144,email: sianing52@gmail.com.

The post Suporta kay Ermita appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Suporta kay Ermita Suporta kay Ermita Reviewed by misfitgympal on Pebrero 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.