Facebook

‘196 nagpositibo sa Covid sa loob ng isang araw’ — Isko

‘NAKAKAALARMA.’

Ganito inilarawan ni Manila Mayor Isko Moreno ang pinakahuling sitwasyon kaugnay ng COVID-19 sa lungsod kung saan 196 katao ang nagpositibo sa loob lamang ng isang araw. Ito ang kaunahan sa loob ng nakalipas na ilang buwan.

Ikinalungkot din ni Moreno na ang kasalukuyang occupancy rate ng six city-run hospitals na may 300 bed capacity sa kasalukuyan nasa 108 na o katumbas ng total na 36 percent.

Samantala sa quarantine facilities, ayon pa kay Moreno, ang occupancy rate ay nasa all-time high na 61 percent. 225 na mga pasyente ang umukupa ng 371 bed capacity.

Ang napakataas na bilang na 196 na nagpositibo sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw ay kinumpirma ng mismong RT-PCR testing ng lungsod na ibinibigay ng libre sa lahat ng may gustong magpa-swab.

“Dapat itong ipangamba, di lamang ng pamahalaang-lungsod kungdi ng tao. Sama-sama tayo mga kababayan. Hindi mapagtatagumpayan ng pamahalaang ang laban sa pandemya nang di kasali ang mamamayan na nagkukusang disiplina. Nangyayari ito di lang sa Maynila kungdi sa buong bansa,” sabi ni Moreno.

Idinagdag pa niya na: “Di tayo ganyan sa loob ng mahabang panahon. Maaring mabilis ang pagkalat dahil sa variants. Baka lang po nakakalimutan n’yong isuot nang tama ang inyong mga facemask at mag-practice ng physical distancing.”

Muli ay iginiit ni Moreno ang panawagan sa lahat na sundin ang itinakdang basic health protocols anumang oras at saan man magpunta.

Samantala ay inanunsyo ni Moreno na ang tatlong araw na pagbabakuna ng pamahalaang lungsod kung saan pinangunahan nila ni Vice Mayor Honey Lacuna ay nakapagtala ng 1,034 medical frontliners na naturukan ng Coronovac na gawa ng Sinovac.

Dahil dito ay sinabi ni Moreno na maswerte ang Maynila dahil nakatanggap ng 3,000 Coronavac vaccines mula sa national government at pinasalamatan nya rin si President Rodrigo Duterte, National Task Force (NTF) Deputy Chief Implementer and Testing Czar Vince Dizon, vaccine czar Carlito Galvez, Jr., Department of Health Secretary Francisco Duque III at ang DOH family dahil ito ang naging instrumento sa nasabing donasyon ng bakuna sa kabisera ng bansa.

Samantala ay sinabi ni Moreno na kung wala ng magpapabakuna ng Sinovac vaccines, ay hihingi siya ng clearance sa concerned national government authorities upang makapagpabakuna na. Natutuwa rin ang alkalde na nakapagpabakuna na si Lacuna na isa ring doktor.

Sinabi ng alkalde na istriktong sumusunod ang pamahalaang lokal sa reglamento kalakip ng mga dinonate na bakuna na kung saan unang babakunahan ang health frontliners. (ANDI GARCIA)

The post ‘196 nagpositibo sa Covid sa loob ng isang araw’ — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘196 nagpositibo sa Covid sa loob ng isang araw’ — Isko ‘196 nagpositibo sa Covid sa loob ng isang araw’ — Isko Reviewed by misfitgympal on Marso 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.