INIHAYAG ni Senator Christopher “Bong” Go na suportado niya ang suhestyon na magpakuna ang mga opisyal ng pamahalaan sa harap ng publiko upang maalis ang takot at magpabakuna rin ang maraming Filipino laban sa COVID-19 vaccines.
Ngunit nilinaw ni Go na gagawin ito nang hindi nasasaalang-alang ang priority list ng pamahalaan sa national COVID-19 vaccination program na tumututukoy sa ilang sektor bilang mga dapat na unahin, gaya ng frontliners, mahihirap at vulnerables.
Sa pagbubukas ng Malasakit Center sa Rafael Lazatin Memorial Medical Center sa Angeles City, Pampanga, tinanong si Go kung suportado niya na ilagay sa priority list para mabigyan ng COVID-19 vaccine ang mga lokal na opisyal.
Ayon kay Go, wala naman aniyang masama rito sa pagsasabing “Bakit hindi? Kumpiyansa po ang kinukuha natin dito. Eh, kung ibig sabihin nga nito, kung ang Mayor ninyo nagpabakuna nga, so ibig sabihin magtiwala kayo.”
Sinabi pa niya na kung makatutulong ito upang mawala ang takot ng publiko sa bakuna ay suportado niya ang nasabing rekomendasyon.
“Ang importante nito, to get the confidence of your constituents po sa lugar. Kung mayor, to get the confidence of your constituents sa inyong lugar.”
“So, ako naman po pabor ako kung ‘yon na po ang magiging desisyon ng ating IATF, na pangungunahan po ng mayor ay sang-ayon po ako, para makuha natin ang kumpiyansa,” dagdag niya.
Anang senador, walang pilitan sa pagbabakuna para makuha ang herd immunity at maibalik na sa normal ang pamumuhay ng bawat isa.
“Buhay po nila ‘yan. So boluntaryo naman po ito. Kami naman po rito sa gobyerno ay pinapaintindi namin sa kanila na tanging bakuna lamang po ang susi o solusyon dito sa ating problema kontra COVID-19.”
“Importante po dito ay ma-attain natin ‘yung herd immunity sa community. Ulitin ko, ang importante dito ma-attain natin ‘yung herd immunity sa community. ‘Pag ‘yung komunidad ninyo ay na-attain na ‘yung herd immunity, maiiwasan na ang pagkalat… kakayanin na po ng ating anti-bodies dahil po sa bakuna na ituturok sa tao,” sabi ni Go.
“Nakaplano na ‘yan sa mga strategic regions. Lahat po ay bibigyan, ang mga frontliners, i-priority muna natin ang mga frontliners,” ayon sa senador.
Aniya, mahalaga na maarmasan ang ating mga frontliners dahil sila ang isinasabak sa giyerang ito. (PFT Team)
The post Bong Go: Pagbabakuna sa mga opisyal, para magtiwala ang publiko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: