TINIYAK ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go na posibleng ibaba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa modified general community quarantine ang maraming lugar sa bansa kapag nakita niyang tagumpay ang rollout ng pagbabakuna kontra COVID-19.
Sinabi ni Go na maging ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ay nakabase sa science para makasiguro sa kaligtasan ng lahat
Ayon kay Go, kapag tuloy-tuloy ang pagbabakuna ay tiyak din na tuloy-tuloy ang pagbubukas ng ekonomiya ng bansa na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Sa kabila nito, nilinaw na Go na kung siya ang masusunod ay huwag munang masyadong luwagan basta ang mahalaga ay makapag-hanapbuhay ang mga tao basta kaakibat ang mahigpit na pagsunod sa health protocols.
Naindigan din si Go na tanging ang pagsunod sa health protocols at bakuna lamang ang susi para makabalik na sa normal ang buhay ng sambayanan. (Mylene Alfonso)
The post P-Duterte kinukonsidera na isailalim sa MGCQ ang maraming lugar sa bansa — Sen. Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: