Facebook

9-anyos binaril ng lolo habang nagmo-module

NASAWI ang isang 9-anyos batang lalaki habang nagmo-module nang barilin ng isang matandang lalaki sa Purok 4, Barangay Mangcuram, Ilagan City, Isabela.
Kinilala ang naarestong salarin na si Jose Baquiran, 60; habang ang batang biktima ay si Robin Carl Londonio. Kapwa sila residente ng nasabing barangay.
Sa ulat, kasalukuyang nagbabasa ng kanyang module ang bata nang dumating si Baquiran na may dalang mahabang baril.
Nagtanong ang bata nang makitang may dalang baril ang matanda sa wikang Ilocano: “Apay uncle ano ti basol mi kanya nyo,’’ sa tagalog “Bakit po uncle ano ang kasalanan namin sa inyo?”. Subali’t walang awang binaril ng matanda ang bata na tinamaan sa tiyan.
Mabilis na isinugod sa pagamutan ang batang estudyande, subali’t idineklarang dead on arrival sa pagamutan.
Naaresto si Baquiran sa isinagawang hot pursuit operation ng pulisya.

The post 9-anyos binaril ng lolo habang nagmo-module appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
9-anyos binaril ng lolo habang nagmo-module 9-anyos binaril ng lolo habang nagmo-module Reviewed by misfitgympal on Marso 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.