Facebook

Batang misis sinunog ng buhay ng Ex

Patay ang isang babae nang sunugin ng kanyang dating live-in partner habang natutulog sa Sitio Crusher, Barangay Lawaan 3, Talisay City, Lunes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Baby Mae Agner, 29, nakatira sa Sitio Crusher, Barangay Lawaan 3, Talisay City.
Naka-hospital arrest naman ang salarin na si Dondon Labora, nasa hustong gulang, sanhi ng 2nd degree burn sa katawan.
Sa report, naganap ang insidente habang mahimbing na natutulog ang biktima kasama ang bagong kinakasama na si Jay Demana at 11 anyos na anak ni Agner.
Ayon sa ulat, nagising si Demana nang marinig ang pagpasok ni Labora at tinangka siyang saksakin nito subali’t nakailag siya at mabilis na lumabas sa bahay, bitbit ang anak ni Agner.
Ilang minuto ang nakalipas, bigla na lamang lumiyab ang bahay at nadamay ang tatlong katabi pang bahay.
Sa pagresponde ng mga otoridad, agad na naapula ang sunog at nakita na lamang ang bangkay ni Baby Mae habang dinala sa ospital si Labora at patuloy na inoobserbahan.
Inihahanda na ang patung-patong na kasong isasampa laban kay Labora.

The post Batang misis sinunog ng buhay ng Ex appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Batang misis sinunog ng buhay ng Ex Batang misis sinunog ng buhay ng Ex Reviewed by misfitgympal on Marso 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.