Facebook

P6.8m shabu huli sa trabahador sa Caloocan

NASABAT ng pulisya ang P6.8 milyon halaga ng shabu sa isang construction worker nang kumagat ang huli sa buy bust operation sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw.
Kinilala ang nadakip na si Masod Hadji Karim alyas “Bossing”, 36 anyos, construction worker, ng Riverside, Barangay 188, Tala, ng nasabing lungsod
Sa report, 4:40 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kasama ang 6th MFC RMFB-NRCPO at PDEA Northern District Office ng buy bust operation sa bahay ng suspek.
Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang suspek nang magbenta ng isang medium plastic sachet ng shabu na nasa P50,000 ang halaga kay Cpl Noel Sison na nagpanggap na buyer.
Nasamsam sa suspek ang tinatayang nasa 1,000 grams (1 klg.) ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800,000.00.
Ayon sa ulat, nag-ugat ang operasyon sa tip ng isang regular confidential informant (RCI) sa SDEU.

The post P6.8m shabu huli sa trabahador sa Caloocan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P6.8m shabu huli sa trabahador sa Caloocan P6.8m shabu huli sa trabahador sa Caloocan Reviewed by misfitgympal on Marso 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.