Facebook

Babaeng pasahero ng MRT-3 nag-selfie na walang suot na face mask at shield, kakasuhan

TINITIYAK ng pamunuan ng Metro Rail Transit 3 na kakasuhan nila ang babaeng pasahero na nag-selfie ng walang suot na face mask at face shield habang sakay ng tren.
Ito ang tiniyak ng MRT-3 nang mag-viral sa Facebook ang kuhang video ng babaeng pasahero.
Sa report, nilabag ng babae ang health at safety protocols sa pagsakay sa pampublikong transportasyon na mahigpit na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Tinutukoy na ang pagkakakilanlan ng babae sa video kasabay ng imbestigasyon kung may pagkukulang din sa parte ng transport marshall na naka-duty sa tren.
Kaugnay nito, muling nanawagan ang pamunuan ng MRT-3 sa mga pasahero na sumunod sa health protocols sa loob ng tren at maging mahinahon at sumunod sa paalala ng mga transport marshals.(Gaynor Bonilla)

The post Babaeng pasahero ng MRT-3 nag-selfie na walang suot na face mask at shield, kakasuhan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Babaeng pasahero ng MRT-3 nag-selfie na walang suot na face mask at shield, kakasuhan Babaeng pasahero ng MRT-3 nag-selfie na walang suot na face mask at shield, kakasuhan Reviewed by misfitgympal on Marso 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.