Facebook

PGH at St. Luke’s ‘di na tatanggap ng severe COVID-19 cases

NAABOT na ng dalawa sa mga pinakamalalaking ospital sa Metro Manila ang kanilang full bed capacity.
Ibig sabihin, hindi na sila makatatanggap ng mga pasyenteng may severe cases ng COVID-19 na nangangailangan ng emergency care.
Ayon kay UP-Philippine General Hospital spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, puno narin ang kanilang intensive care unit (ICU) facilities.
Katunayan, aniya, ilan sa kanilang kwarto ay ginawa narin nilang ICU rooms dahil sa dami ng pasyenteng may severe hanggang critical COVID-19 cases na dinadala sa PGH.
Sa kasalukuyan, aabot na sa 170 COVID-19 patients ang naka-admit sa PGH.
Sa ngayon, 200 kama ang ginagamit nila para sa mga pasyenteng may COVID-19 pero maaari nila itong itaas sa 230 depende sa mga bagong kaso dadalhin sa ospital. (Jocelyn Domenden)

The post PGH at St. Luke’s ‘di na tatanggap ng severe COVID-19 cases appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PGH at St. Luke’s ‘di na tatanggap ng severe COVID-19 cases PGH at St. Luke’s ‘di na tatanggap ng severe COVID-19 cases Reviewed by misfitgympal on Marso 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.