UMABOT na sa critical level ang COVID-19 bed occupancy ng Sta. Ana Hospital ng Maynila matapos maokupa ang 90% na mga kama nito para sa mga pasyente na tinamaan ng virus.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), as of March 19 ay nasa 63 mula sa 70 kama ng Sta. Ana Hospital para COVID-19 patients ang okupado na.
Habang isa mula sa anim na Intensive Care Unit (ICU) COVID-19 beds nalang ng nasabing ospital ang bakante, ibig sabihin 83.3% na ang okupado.
Nasa 58 narin o 90.63% ang occupied sa 64 isolation beds nito at 44.4% o apat sa siyam na mechanical ventilators sa ospital ang gamit na. (Jocelyn Domenden)
The post COVID-19 bed occupancy ng Ospital ng Sta. Ana sa Maynila nasa critical level na appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
COVID-19 bed occupancy ng Ospital ng Sta. Ana sa Maynila nasa critical level na
Reviewed by misfitgympal
on
Marso 21, 2021
Rating:
Walang komento: