Facebook

‘Bakuna, nasaan ka na?’

TRENDING na naman si Senador “Ping” Lacson sa kanyang post sa social media.

Hinahanap ni Lacson ang bakuna matapos mangutang ang gobyerno ng P126.75 billion para labanan ang coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Post ni Ping:
WB/ADB/AIIB approved loans for Ph Covid vaccines:
April 20, 2020 – US$100M
May 28, 2020 – US$500M
Dec. 16, 2020 US$600M
Mar 12, 2021 US$400M
Mar 2021 – US$300M plus
P10B – DOH Bayanihan budget equals:
P126.75B @P48.64 per US$1

NASAAN KA, BAKUNA?

Tama si Ping! Oo… Nasaan na nga ba ang bakuna? Bakit puros donasyon palanga ng dumarating? Saan napunta ang P126.75 bilyon? Kaninong bulsa pumasok? Ehek!

Sabi ni Pangulong Rody Duterte, pinakyaw na raw kasi ng mga mayayamang bansa ang mga naunang nagawang bakuna. Ganun?

Eh… bakit ang pinakamahirap na bansa ng Bangladesh ay nakabili ng bakuna? Patapos na nga raw sila sa kanilang mass vaccination program.

Sabi ni retired AFP Chief ngayo’y vaccine czar Carlito Galvez, sa Abril pa darating ang mga binili nilang bakuna. Sana nga! Dahil umaabot na sa 10,000 kada araw ang bahahawaan ng Covid-19.

***

Tama si retired Supreme Court Justice Antonio Carpio sa kanyang mungkahi na dapat nang payagan ng gobyerno ang mga pribadong kompanya na bumili ng bakuna para sa kanilang mga manggagawa ng walang anumang kondisyon ng gobyerno.

“The way to speed up the vaccination, and to restart the economy, is to allow private companies to buy, with their own funds, the vaccines needed for their own employees, from the company president down to the janitor, without insane conditions from the goverment.”

Mismo! Tumpak si Carpio. Nire-require kasi ng gobierno ang mga pribadong kompanya na i-donate sa gobierno ang 100 percent ng kanilang mabibiling bakuna. Na ang kalahati ng donated vaccines ay gagamitin ng gobyerno para sa kanilang general vaccination program, habang ang kalahati ay gagamitin sa mga sektor o lugar na gusto ng pribadong kompanya.

Sino namang gagong pribadong kompanya ang papayag sa ganitong kasunduuan? Na silang pribadong kompanya ang gagastos tapos ang gobiernong Duterte ang bida?

Again, saan ba dinala ng administrasyong Duterte ang P126.75 bilyong pambili ng bakuna at hindi parin ito nakabibili hanggang ngayon? Aba’y higit isang taon nang naka-quarantine ang Pilipinas, pinakamahaba ito sa lahat ng bansa na nag-lockdown sa Covid-10 simula Marso 15, 2020.

Nanganganib pang magkaroon uli ng mahigpit na lockdown kapag umabot na sa 10,000 a day ang mga nagpopositibo sa mabagsik na virus, sabi ng DoH.

Muli, nanawagan ang grupo ng nurses at maging ng mga duktor na sipain na si DoH Sec. Francisco Duque at palitan ang mga heneral na bumubuo sa inter-agency task force kontra Covid. Palitan ito ng mga eksperto sa medisina tulad sa ibang bansa. Mismo!

May opisyal namang nagsabi na ‘wag ituloy ang elections sa 2022 kapag ‘di pa napupuksa ang virus. Ulol!

The post ‘Bakuna, nasaan ka na?’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Bakuna, nasaan ka na?’ ‘Bakuna, nasaan ka na?’ Reviewed by misfitgympal on Marso 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.