INARESTO ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kapitan ng Barangay Caingin, Lapaz, Iloilo sa kasong pagnanakaw ng kuryente.
Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Iloilo Regional Trial Court Judge Victorino Maniba, Jr., noong Pebrero 4, inaresto ng CIDG Iloilo City Field Unit/ Regional Special Operations Team si Kapitan Rene Firmeza sa loob mismo ng Bgy. Hall 10:00 ng umaga nitong Lunes.
Matatandaan na nadiskubre ng MORE Power Iloilo ang illegal connection o jumper ni Firmeza noong September 7, 2020 kungsaan direktang nakakonekta sa secondary line ang kuryente ng bahay nito.
Hindi noon nahuli sa aktong nagkakabit si Firmeza kung kaya’t isinampa ng MORE Power ang regular na reklamo sa City Prosecutor noong October 14.
Sa ngayon, pansamantalang naka-detene sa opisina ng CIDG sa Mandurriao ni Firmeza.
Samantala, inirekomenda naman ng korte ang P72,000 pesos na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
The post Bgy. kapitan kulong sa pagnanakaw ng kuryente appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: