Facebook

Bong Go: ‘Pinas panahon na para makagawa ng sariling bakuna

PINANGANGAMBAHAN ang posibleng paglitaw ng bagong pandemya sa hinaharap, inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na panahon na upang palakasin ng bansa ang medical science at health research capabilities nito para kalauna’y makalikha ng sariling bakuna at iba pang medical interventions.

“Novel coronavirus, bago, ‘di natin alam kung meron pang darating na ganitong klaseng mga sakit na galing po sa wildlife. Dapat handa tayo,” ayon kay Go matapos niyang pangunahan ang distribusyon ng assistance sa mga nasunugan sa Malate, Manila.

“Napapanahon na siguro na magkaroon tayo ng sariling manufacturing (ng bakuna). Kung kaya naman natin para ‘di na tayo magmakaawa sa ibang bansa,” ani Go.

Sa kanyang State of the Nation Address noong Hulyo ng nakaraang taon, hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na magpasa ng batas na lilikha sa center for disease control and prevention sa Pilipinas.

Kamakailan lang, inaprubahan na ng House of Representatives sa committee level ang House Bill No. 6096 na mag-eetabilisa sa nasabing ahensiya.

Nauna rito, iginiit ni Go ang pangangangailangan na paglaanan ng sapat na pondo ang Research Institute for Tropical Medicine dahil sa krusyal na papel nito sa paglaban sa pandemya.

“Hindi natin akalain na ang RITM ay ang isa sa pinakaimportanteng opisina dito sa pandemyang ito… I pushed for the increase of RITM’s proposed 2020 budget. We made the right decision, and with the support of my colleagues, we increased the budget of RITM to PhP223.8 million. For 2021, we further increased the budget of RITM to PhP393.8 million,” ani Go.

“Ano na lang kaya po kung hindi natin na-increase ang budget ng RITM? Mas lalo tayong mabibigla dahil RITM ang unang nagkaroon ng kapasidad to test,” dagdag niya.

Samantala, tutol si Go na ilagay ang Metro Manila sa modified general community quarantine (MGCQ) lalo’t tumataas na naman ang COVI-19 cases sa National Capital Region.

“Plano sana ni Pangulong (Rodrigo) Duterte na luwagan (ang level ng community quarantine). Since kaka-start pa lang ng pagbabakuna, kinakailangan pa nating mapaigting ang ating pag-iingat laban sa COVID-19, lalo na ngayon dahil sa pagtataas ng bilang ng mga kaso. Hindi pa natin siguro maluwagan ang quarantine restrictions ngayon dahil delikado pa po. Gawin po muna natin ang kinakailangan para hindi tayo magkahawahan,” ani Go.

“Palagi po nating binabalanse ang ekonomiya at ang kalusugan at kapakanan ng ating mga kababayan,” anang senador. (PFT Team)

The post Bong Go: ‘Pinas panahon na para makagawa ng sariling bakuna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: ‘Pinas panahon na para makagawa ng sariling bakuna Bong Go: ‘Pinas panahon na para makagawa ng sariling bakuna Reviewed by misfitgympal on Marso 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.