
ITO ang tugon ni Senator Christopher Bong Go sa mga nagsasabing pamumulitika ang ginagawa niyang pag-iikot at paghahatid ng tulong sa mga nasunugan, binagyo at iba pang kalamidad.
Sinabi ni Go na noon pa mang Alkalde ng Davao si Pangulong Rodrigo Duterte ay ginagawa na niya ang pag-iikot at paghahatid ng tulong sa mga nasunugan at mga kababayang nangangailangan ng tulong.
Ayon kay Go, sanay siyang nilalapitan ng tao para humingi ng tulong.
Kinumpirma ni Go na maging ang Malasakit Center ay natutunan niya kay Pangulong Duterte bilang pagpapakita ng malasakit sa kapwa Pilipino.
Ipinaalala pa ni Go na pagkatapos ng kanyang proklamasyon noong 2019 ay agad siyang nagtungo sa mga nasunugan sa Caloocan city bilang pagtupad sa kanyang pangako.
Muli rin tiniyak ng senador na tuloy ang kanyang ginagawang pagtulong kasabay ng pagpapaalala sa lahat na pag-ibayuhin ang pag-iingat dahil sa COVID-19 pandemic. (Mylene Alfonso)
The post “Dati ko na itong ginagawa” — Sen. Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: