
INSPIRASYON SA BUHAY: “…Ang ambisyon at natural na pag-ibig ay magkasama; iibigin ng isang taong ambisyoso ang sinumang tumutulong sa kanyang matamo ang ninanais niya, subali’t ituturing niyang kanyang kaaway ang sinumang humahadlang sa kanya sa pagtupad sa kanyang ambisyon (3 Juan 9).
***
Habang nakatutok ako sa mga maiinit na balita na naglabasan sa telebisyon maging sa social media nitong kasalukuyang linggo, napaisip ako sa kasalukuyang mga isyu na siguradong may kinalaman sa pulitika.
Isa sa tumawag ng aking pansin ang mukhang maagang paramdaman ng mga maaring naghahangad ng pwesto sa mataas ng posisyon sa ating bansa. Maagang basagan ng mga napipintong politiko na posibleng maglaban.
Kagaya nalang ni Senador Bong Go, na sa pagkakatanda ko ay nagsimula sa pagiging “National Photobomber” bagong naging Senador at ng ating “Pambansang Kamao” naman na si Senador Manny Pacquiao na mukhang sigurado na ang pagtakbo sa mataas na posisyon.
Sa aking pagkakaalam, at mula na din sa aking mga naririnig na mga kaibigan, biglang sumulpot si Sen. Bong Go bilang Special Assistant to the President o SAP dahil sa hilig nito magpa-selfie sa mga kilalang personalidad o VIPs nung panahon ng pagtakbo ni Presidente Rodrigo Duterte. At ngayon, hindi man niya aminin, siguradong tatakbo din ito sa mas mataas na posisyon kung saan nga nagpapasaring na ang Pangulo para dito.
Gayun din si Sen. Pacquao, naagpakita na din ng intensyon sa pagtakbo sa pinaka-mataas na posisyon ng bansa. Na mukhang desidido ang Filipino Icon na mas makatulong sa bansa.
Ang pinagtataka ko naman ay bakit tila nagkakaroon ng basagan sa pagitan ni Sen. Go at Sen. Pacquiao? Na tila kahit nasa parehong partido (PDP) ay pa-simpleng umaatake si Sen. Go laban kay Pacquiao. Na pakiwari ko ay mali na gawin ito sa isang tao na nagbigay ng malaking karangalan sa bansa hanggang sa mataguriang Pambansang Kamao ng Pilipinas.
Sa ngayon, patuloy na nag-iikot si Sen. Go sa mahigit isang daang “Malasakit Centers”.
May mga natatanong na hindi ba’t taxpayers ang nagsho-shoulder ng mga gastos sa paggamit sa private plane sa pag-ikot sa buong bansa?
Isang magandang proyekto ito, lalo na’t kung natutulungan ang mga nangangailangan, at kung magagamit ito ng tama at patas, at hindi magamit sa ambisyon sa politika.
Gaano katotoo na may kinalaman ang kaalyado ni Go sa nangyaring desisyon sa Korte Suprema kung saan pagkatapos mabinbin ng ilang taon nabago ang desisyon at nabaligtad ang botohan sa kaso hanggang sa ibasura ang Vice Presidential race case na sinampa ni dating Senador Bongbong Marcos?
Kawawa naman si Sen. Pacquiao na nagbigay sa bansa ng karangalan kung mahahamak lang ito ng basta-basta.
Kayo, kanino nga ba kayo?
***
BANTA NG KAWALAN NG KAPATAWARAN NG KASALANAN NG TAO: Bilang sagot sa tanong ni Moises kung sino ang sasabihin niya na nagsusugo sa kaniya sa Faraon o hari ng Egipto upang pahintulutang makaalis na sa bansang iyon ang mga Israelita, sinabi ng Diyos na ang ituturo ni Moises na nagsugo sa Kaniya ay si “Ako ay Ako Nga”, na ang kahulugan pala, ayon sa Diyos mismo, ay “Diyos”, o “Yahweh” na Siyang “Diyos nina Abraham, Isaac, at Jacob”.
Samakatuwid, noong sinabi ni Jesus sa Juan 8:24 na Siya, si Jesus, ang “Ako ay Ako Nga”, ang maliwanag na sinasabi Niya ay Siya, si Jesus, ang Diyos na si Yahweh, na Siyang Diyos nina Abraham, Isaac, at Jacob, na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo.
The post Pambansang Kamao o Pambansang Photobomber? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: