NAGLIPANA kamakailan ang mga ‘tarpulin’ na humihikayat kay Presidential Daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo sa pagka-pangulo sa darating na halalan sa susunod na taon.
“Run SARA Run!” at “Run Inday Run” ang mga nakalagay sa mga tarpulin na kumalat sa lahat ng probinsiya sa Luzon, Visayas at Mindanao. May iba pa ngang may nakalagay na “GO-SARA-GO” na ang sabi ng iba ang kahulugan ay tambalang Sara Duterte at Bong Go.
Ngunit sa kabila nito, iginigiit ng Mayora ng Davao na hindi siya tatakbong presidente sa 2022. Katulad ito ng pahayag ng mismong ama ni Sara na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi tatakbo ang kanyang anak na babae sa pagkapangulo sa darating na halalan, dahil ang posisyon ng pagka-pangulo ng bansa ay di nabababagay sa isang babae.
At sa isang malalaking pag-titipon kamakailan lamang sa Cagayan De Oro, ginulat ni Pangulong Duterte ang lahat, nang tawagin niya si Special Assistant to the President (SAP) Senador Bong Go na “Presidente”.
Una munang pinapurihan ng Pangulo si Senator Bong Go sa harap ng maraming tao kabilang ang ilang miyembro ng kanyang gabinete at mga lokal na opisyal sa nasabing programa na ang layunin ay wakasan ang komunismo sa Misamis Oriental.
Sinabi ng Pangulo na ang pagsusumikap ni Senator Bong Go na tulungan ang maraming Filipino ay katangian ng isang maaaring maging presidente.
Tinawag niya itong “Presidente” at pinaki-usapang tumayo sa harap ng mga tao mula sa entablado at pinakaway. Tumalima naman agad ang senador at tinaas ang kanyang kamay para kumaway.
“Presidente, tumayo ka nga uli at tingnan natin kung talagang bagay sa iyo. Tumayo ka uli at kumaway sa mga tao,” ang muling paki-usap ni Pangulong Duterte kay Sen. Go sa wikang Visaya.
Tumayo at muling kumaway si Senador Go sa utos ni Pangulong Duterte.
“Masyadong mababa. Itaas mong maigi ang iyong kamay,” ang utos pa ng Pangulo.
Ano man ang gustong ipahiwatig ni Pangulong Duterte sa tagpong iyon ay di naman maayong mangyari.
Sa mga papuri pa lamang ni Pangulong Duterte kay Senator Go ay kakakitaan na, na iniendorso na ng kanyang mentor sa pagka-pangulo si SAP/Sen. Go. Sa hinaba-haba ng kanilang pagsasama na lagpas na halos ng dalawang dekada, si Sen. Go ay laging nasa tabi ni Pangulong Duterte. At mula noon ay di pa nakaranas ng pagka-talo ang mentor nito hanggang sa nakarating Palasyo ng Malacañang.
Hindi lumulubay sa pagiging kanang kamay si Sen. Go kay Pangulong Duterte mapa-loob o labas man ng Malacañang. Hindi malayong matutuhan niyang lahat ang pasikot-sikot ng panunungkulan bilang pinuno. Hinog na ito ika nga.
Ang kanyang walang pagod na pagiging public servant ay tuloy-tuloy sa kabila ng pagiging SAP at mambabatas. Ang mga nasusunugan na lamang ay agad niyang inaalalayan, maging ang mga may problema sa kalusugan. Graduate pa ng La Salle Manila.
Ang pagka-pangulo para kay Bong Go ay abot-tanaw na. At malamang na makuha niya, kung ang kanyang ka-tandem ay ang matagal niya nang kasama. Kaya Go-Duterte-Go na!
The post “Go-Duterte-go” ‘di malayong mangyari appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: