SIMULA na naman ang pinahigpit na community lock down at sentro ng pinag-ibayong pagpapatupad ng health protocol ng pamahalaan ay ang Kalakhang Maynila at karatig na mga lalawigan.
Bukod pa sa ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Disease (IATF) na health standards ay may kanya-kanyang ding pamantayang isinusulong ang mga local executive para maipatupad ang General Community Quarantine (GCQ) sa kani-kanilang hurisdidkyon.
Nagkakaisa ang kanilang layunin, ito ay ang maproteksyunan ang kanilang mga mamamayan na huwag mahawa sa nakamamatay na COVID 19.
Ngunit habang nakapokus ang atensyon ng ating mga Local government unit (LGUs) at kapulisan sa pagbaka sa pandemya ay sinasamantala naman ito ng mga elementong kriminal para lalong maisulong ang kanilang iligal na gawain at tumabo ng limpak-limpak na salapi.
Dati-rati matinding pinuputakte ng mga ilegalista ang Rehiyong Katagalugan na lalong kilala sa CALABARZON, ngunit biglang nasapawan ng mga siyudad at bayan sa Metro-Manila ang mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon sa dami ng bilang ng mga kriminal na naglisaw at nag-ooperate sa Kamaynilaan.
Hindi natin malaman kung dahil sa pagiging abala laban sa pandemic ng ating mga lokal na ehikutibo at ng mga pinuno ng lokal na kapulisan, ay nakakalingat ang mga ito sa pagtutok sa kampanya laban sa higit na mapaminsalang operasyon ng sugal at droga sa mga siyudad ng Maynila, Quezon, Pasay, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA), Muntinlupa, Parañaque, Pateros, Las Piñas, Makati, Pasig, Mandaluyong, San Juan at Marikina at bayan ng Pateros.
Hindi rin malaman kung bakit parang mga singaw na nagsulputan sa Metro-Manila ang mga iligalistang sina alias Jane Koh, Galingan, Tita, Tepang, Kap Onse, Kap Robles, Atan, Mako, Penong, Lucy, Boy Edmund, Kap Bryan, Dela Peña at Mario Bokbok at iba pang iligalista simula nang maluklok bilang NCRPO Director si P/Major Gen. Vicente Danao Jr.
Ngunit sa dahilang iniidolo ng inyong lingkod si Malabon City Police Chief Angela Rejano ay hindi natin maatim na madungisan ang pangalan nito ng isa lamang alias Mario Bokbok na notoryus na illegal gambling operator bukod sa pagiging pusakal na drug pusher sa may 21 barangay ng nasabing siyudad.
Bukod sa operasyon ng illegal drug trade ni Mariong Bokbok sa Malabon City, ay hayag ding pagpapatakbo nito ng labag sa batas na EZ 2 cum jueteng sa Caloocan City, siyudad ng Venzuela at iba pang panig ng CAMANAVA.
Ngunit front lamang ni alias Mario Bokbok ang pagpapatakbo ng EZ 2 bookies, ang totoo ay ang malaking bulto at milyones na kinikita nito ay mula sa pagbebenta ng shabu na iniaangkat nito sa kapwa nito drug at gambling operator sa mga lalawigan ng Cavite, Rizal at Laguna na sina alias John Yap, Elwin, Kaloy Kolanding, Zalding Kombat, Menong, Chito at Abion.
Ang mga naturang operator ng jueteng at kalakalan ng droga ay nagkakanlong naman sa operasyon ng Peryahan ng Bayan (PnB) na pinatatakbo ng Global Tech Global Tech hanggang sa lalawigan ng Oriental Mindoro, iba pang probinsya sa MIMAROPA. Liban sa jueteng ay may lotteng operation din sina Jonh Yap sa Taguig City, Maynila at CAMANAVA area.
Ang operasyon ng sugal at bentahan ng droga ang tinitingnang motibo kung bakit pinaslang kamakailan si alias Jun Moriones at suspek sa pagpapatay dito ay ang mga kasahan nito sa sindikato na sina alias John Yap, ang pekeng NBI employee na si Elwin, Zalding Kombat, Kaloy Kolanding, Chito, Menong at Abion.
Samantala, ang Barangay Catmon sa Lungsod din ng Malabon ang paboritong santuaryo Mariong Bokbok. Doon ito nagpupugad sa pagpapabenta ng shabu at doon din ito nagpaparebisa ng milyones na taya sa EZ 2 cum jueteng.
Marami na tayong nababalitaan hinggil sa kahanga-hangang katangian ni Rejano. Isa itong idealistic police official at may matatag na paninindigan.
Katunayan ay hindi raw ito karakang sumusuko sa matinding political pressure at maging sa impluwensya ng mga kabaro nito, basta nasa katwiran lamang ay pinangangatawanan nito ang kanyang desisyon.
Ngunit nakakahiya mang ungkatin, ay tila naman nagmumukhang inutil ang hinahangaan natin na natatanging Metro Manila Lady cop na si Rejano.
Mukhang sa isa lamang alias Mario Bokbok ay susuko ito at madudungisan ang maganda nitong imahe?
May ipinagyayabang na protektor si Bokbok na isang alias Bryan na bukod sa isang maimplwensyang barangay official sa Malabon City ay nagpapakilala pang “malakas ang kapit” sa on-leave na PNP Dir. General Debold Sinas. Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit mukhang nagluluwag at naduduwag ang ating batikang “lady cop” laban kay Mariong Bokbok?
Sana ay hindi siya pasilaw sa kinang ng salapi ng drug at gambling operator sa Malabon City tulad ni Mariong Bokbok. Hindi sana matulad si Rejano sa ilang nakilala nating naging pinuno din ng ating kapulisan, na mahigpit sa simula ngunit lumilitaw din ang kahinaan sa bandang huli?
***
Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com
The post Lady cop versus sugal at droga sa pandemya! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: