Facebook

Mga biktima ng sunog sa Zamboanga City, nirespondehan ni Bong Go

NIRESPONDEHAN at binigyan ng tulong ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga residente ng Barangays Canelar, Guiwan at San Roque sa Zamboanga City matapos masunugan kamakailan.

“Kamusta kayo, mga kababayan ko? Sana nasa mabuti kayong kalagayan. Huwag kayo mawalan ng pag-asa dahil may gobyerno kayo na nagmamalasakit sa inyo. Hinding-hindi kayo pababayaan ng administrasyong Duterte, lalong-lalo na sa panahon na naghihirap ang Pilipino,” sabi n Go sa kanyang video message.

Umaabot sa 32 beneficiaries ang nakatanggap ng cash assistance, makakain, food packs, vitamins, masks at face shields sa isinagawang aktibidad sa Talungon Covered Court sa Brgy. San Roque.

Ilang piling benepisyaryo ang nabigyan ng mga bagong sapatos at bisikleta habang ang ilan ay computer tablets para magamit ng kanilang mga anak sa blended learning.

“Mga kabataan, mag-aral kayo ng mabuti dahil kayo ang kinabukasan ng bayang ‘to. Magsitapos kayo dahil ‘yan ang inyong puhunan sa mundo at ‘yan rin ay konsuwelo ng inyong mga magulang na nagpapakamatay sa trabaho para lang mapaaral kayo,” ang paalala ni Go.

Naroon din ang mga tauhan ng National Housing Authority para i-assess ang mga kabahayan na kinakailangang gawin at muling itayo.

Magbibigay naman ang Department of Trade and Industry at Technical Education and Skills Development Authority sa displaced workers na nangangailangan ng livelihood assistance at skills training and education.

Bilang vice-chair ng Senate Committee on Public Order, isinusulong ni Go ang batas na magmomodernisa sa Bureau of Fire Protection para mabawasan o maiwasan ang mga sunog, pagkawasak ng mga tahanan at pagkasawi ng mga buhay.

“Kaya ko isinusulong ‘yung Fire Modernization [bill] para ma-modernize ang mga kagamitan ng ating mga bumbero. May information at education drives din ang nasabing bill kung saan tuturuan ang mga residente kung ano ang gagawin para makaiwas sa sunog,” paliwanag ni Go.

“Bukod sa pagiging laging handa, dapat maging proactive rin tayo kung papaano maiiwasan ang mga ganitong insidente,” aniya. (PFT Team)

The post Mga biktima ng sunog sa Zamboanga City, nirespondehan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mga biktima ng sunog sa Zamboanga City, nirespondehan ni Bong Go Mga biktima ng sunog sa Zamboanga City, nirespondehan ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Marso 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.