MGA ka-ARYA.., natatandaan pa ba ninyo ang nabatikos nitong kolum noong taong 2019 patungkol sa maluhong paglustay ng dating naitalagang PUBLIC INFORMATION AGENCY DIRECTOR GENERAL HAROLD CLAVITE? E nagtatago na pala ito sa ibang bansa dahil kinasuhan ito ng mismo niyang tauhan hinggil sa kuwestiyonableng paggamit sa P51 milyon disallowance ng kanilang ahensiya.
Si CLAVITE ay mismong ang kaniyang DEPUTY DIRECTOR na si BENJAMIN FELIPE ang nagsampa ng kaso sa OMBUDSMAN noong taong 2019 hinggil sa umano’y malversation of public funds; mga iregularidad patungkol sa Employees Compensation Program; ‘splitting’ sa procurement ng ASEAN Komiks at ang umano’y iregularidad sa programang LIKE PINAS.
Bukod dito, dahil sa uminit ang iringan sa pagitan ng 2 PIA OFFICIAL ay binanatan ni CLAVITE sa MAINSTREAM at SOCIAL MEDIA si FELIPE na idinamay pa si PCOO SECRETARY MARTIN ANDANAR para iligaw ang isyu at pinalalabas na binu-bully lamang umano siya nina FELIPE at ANDANAR.., kaya etong si FELIPE ay nagsampa ng CYBER LIBEL CASES sa ilang mga hukuman.
Ang inihaing kaso ay tinanggap naman ng hukuman, kaya si CLAVITE ay ginamit nito ang kaniyang impluwensiya upang “AYUSIN” ang mga kaso laban sa kaniya…, yun nga lang e hinde nagpa-arbor ang mga hukom dahil marahil sa ANTI-CORRUPT CAMPAIGN ng DUTERTE ADMINISTRATION.., kaya hayon sa takot ni CLAVITE ay naglahong bigla sa ating bansa at nagawa nitong makalabas sa ating bansa sa kabila ng mga kasong kaniyang kinakaharap.
Aba, dapat e gawaran ito ng arrest warrant para kung nasaan mang bansa siya nagtungo ay muli siyang mapabalik sa ating bansa at panagutan ang mga iniaakusa laban sa kaniya.., lalo na at pagwawaldas sa pondo ng government agency ay dapat itong mapanagot upang hinde pamarisan ninuman o ng mga nanunungkulan sa ating gobyerno.
Natatandaan ko na etong si CLAVITE e palalabasin na lamang dapat ng MALACAÑANG na kusang nagbitaw ito sa kaniyang posisyon para hinde mapasama ang kaniyang imahe., ang kaso, tila nagyabang at nag-ingay pa ito sa pag-aakusang binu-bully lamang siya.., e dapat pala nanahimik na lamang ito, kaso nga lang e pumalag sa pagsasabing hindi siya nag-resign…, kaya mas masaklap tuloy ang sinapit niya dahil tinanggal na siya sa puwesto at hindi na siya pinagkatiwalaan pa ng kasalukuyang administrasyon.
Magugunita na si CLAVITE ay naitalaga bilang CHIEF ng PIA noong JULY 2016 na inakusahan ito ng ilan niyang mga tauhan hinggil sa maling paggamit ng pondo tulad noong mga unang araw ng kaniyang panunungkulan ay 12 araw itong namalagi o naging pansamantala niyang tirahan ang single hotel room sa MICROTEL WYNDHAM UP TECHNOHUB na pinalabas umano ni CLAVITE na ang naturang room ay gagamitin para sa inter-agency meeting.
Sa isinumiteng dokumento sa OMBUDSMAN ay isinaad ng mga nag-akusa sa pangunguna ni DIRECTOR V FELIPE na ” that the truth about the matter is that, Harold Clavite had utilized the single room as his temporary residence while looking for a place to stay here in Manila. That said transaction is unconscionable, excessive and detrimental to the interest of the government”.
Isang hinde ko malilimot sa mga ibinulong ng mga ARYA BUBUYOG ay karamihan umano sa mga resibo ng pinaggastusan ni CLAVITE na isinumite sa COMMISSION ON AUDIT (COA) ay resibo mula sa GAY BAR…, hehehe may syota kaya itong bading o siya ang bading na nanghahala.., at napapaluwa lalo ang mga mata ng BUBUYOG ARYA dahil kapag mag-eeroplano ito para sa kaniyang out of town event ay laging kasama ang isang MACHO GUWAPITO.., o GUWAPITA na hinde maiwasang mapagkuwentuhan ito ng mga empleyado!
Pero, balik tayo sa sitwasyon ngayon dahil sa impormasyon ng mga ARYA BUBUYOG na nasagap ng kanilang matalas na mata at matalas na pandinig mula sa BUREAU OF IMMIGRATION ay nitong nakaraang taon nakalabas ng bansa si CLAVITE para maiwasan ang mga kasong isinampa sa kaniya.., pero dapat ay habulin ito ng ating gobyerno at papanagutin sa ginawa niyang paglustay sa kaban ng PIA!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Ex-PIA Director nagtatago? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: