INIREKOMENDA na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng mga kasong kriminal laban sa mga suspek sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Inihain ng NBI ang kasong may kinalaman sa illegal drugs, perjury, obstruction of justice, reckless imprudence resulting to homicide, falsification of official document by a public officer sa mga personalidad na pinaniniwalaang may kinalaman sa pagkamatay ng dalaga.
Kabilang sa pinasasailalim sa preliminary investigation ng DOJ ay sina: Police Maj. Michael Nick Sarmiento, Medico Legal Office ng Southern Police District Crime Laboratory, sa kasong Falsification of Public document; Mark Anthony Rosales; John Pascual dela Serna III; Darwin Joseph Macalla; Gregorio Angelo Rafael de Guzman; Jezreel Rapinan; Alain Chen; Reymar Engles; Atty. Neptali Maroto; Loui del Lima; at Rommel Galido.
Kasong obstruction of justice naman ang inirekomenda ng NBI laban kina Rosales, Galido, Dela Serna, Se Guzman, Rapinan, Chen, Englis, Macalla, mga occupant sa inimbestigahang room sa hotel kungsaan naganap ang insidente.
Dawit din sa obstruction of justice ang kanilang counsel na si Atty. Maroto habang si Rosales ay pinalilitis sa kaso ng bawal na droga.
Batay sa imbestigasyon ng NBI, tinangka ni Rosales at Galido na mamigay ng iligal na droga kay Dacera.
Samantala, nakakalap ng ebidensya ang NBI upang panagutin sa kasong reckless imprudence resulting in homicide sina Dela Serna, Rapinan, Chen at De lima.(Jocelyn Domenden)
The post Mga nakasama ni Dacera sasampahan ng reckless imprudence, perjury – NBI appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: