Facebook

Salvage victim sinakal, binalutan ang ulo at tinaniman ng 2 bala

SINAKAL at binalutan ng packaging tape ang ulo bago binaril ng dalawang beses ang ‘di kilalang lalaki na natagpuan sa tabi ng Saint Anthony Academy sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City, nitong Biyernes ng umaga.
Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), 5:35 ng umaga (March 12) nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakasuot ng kulay pula at itim na t-shirt at itim na jogging pants sa Himlayan Road sa tabi ng Saint Anthony Academy sa Barangay Pasong Tamo.
Sa ulat, bago natagpuan ang bangkay ng lalaki, 1:00 ng madaling araw ay nakarinig ng dalawang putok ng baril ang mga residente sa lugar.
Nasamsam sa crime scene ng SOCO team na pinamumunuan ni PLt. John Agtarap ang isang basyo ng bala at packaging tape na ipinangbalot sa ulo ng biktima.
Sa awtopsiya, bukod sa dalawang tama ng baril sa ulo, nakitaan ang marka ng pagkakasakal sa leeg ang biktima. (Ernie Dela Cruz)

The post Salvage victim sinakal, binalutan ang ulo at tinaniman ng 2 bala appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Salvage victim sinakal, binalutan ang ulo at tinaniman ng 2 bala Salvage victim sinakal, binalutan ang ulo at tinaniman ng 2 bala Reviewed by misfitgympal on Marso 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.