Facebook

Musta na ngayon d’yan sa bilibid?

MUKHANG masaya na naman ang mga VIP inmates dyan sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.

Ayon sa ating mga sources,nagluwag na umano ngayon ang maraming bagay na dati ay mahigpit na ipinatutupad ni Prison Director Gerald Bantag.

Maluwag na raw umano ang dalaw (visitation) at pagpapasok ng alak,sigarilyo at gadgets gaya ng cellular phones.

Ipinatutupad ang nasabing kaluwagan mula sa Minimum Security Compund hanggang sa Maximum.

Maganda ang pagbabagong nagaganap dahil malaki ang maitutulong nito sa kondisyon ng kaisipan ng mga presong nakakulong.

Naiiwas ang mga ito mula sa matinding mental stress o BURYONG.

Maganda sana ang layunin kung hindi sana kuwarta o delihensiya ang pangunahing basehan ng pagluluwag ni Bantag.

Ang kaso nga,may nakaakibat na presyo (tag price) ang bawat prebiliheyong ipinagkakaloob.

Binigyang ng weekly quota ang bawat commander ng bawat brigada sa Munti.

May sampung brigada o higit pa sa loob ng isang compound sa NBP.

May mahigit 100 presong nakakulong sa bawat brigada base sa impormasyong ipinagkakaloob sa atin ng inside source ng inyong lingkod.

Sa makatuwid sandamakmak na kuwarta na naman ang umiikot sa araw- araw sa loob ng bilibid.

Sadyang busy na naman ang mga negosyanteng opisyal ni Bantag.

Masiglang masigla ang komeryo o kalakalan sa kaharian ni Director Bantag.

Sa susunod nating pagtakakay sa part 2 ng expose’ na ito,idedeklara na natin ang quota na hinihingi ng mga opisyal na ito ni Bantag sa lider o commander ng bawat brigada.

Again, just to make things clear ,di po si Director Bantag ang pinaniniwalaan nating nasa likod ng binubulgar nating kawalanghiyaan at katarantaduhang nag-uumpisa na naman makapangyari dyan sa oblo.

Mga trusted men marahil nito na harapang winawalanghiya at binubukulan si Director Bantag!

May matitinding rebelasyon sa part 2…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post Musta na ngayon d’yan sa bilibid? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Musta na ngayon d’yan sa bilibid? Musta na ngayon d’yan sa bilibid? Reviewed by misfitgympal on Marso 22, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.