HINDI sukat akalain ni Manny Pacquiao ang mga pangyayari. Naniwala kay Rodrigo Duterte na siya ang kahalili sa 2022. Pumasok siya sa PDP-Laban at naihayag na kandidato sa pangulo sa halalan sa 2022. Palihim na umarya si Alfonso Cusi. Nangalap ng mga lagda na humihiling na si Duterte ang kandidato sa pangalawang pangulo at si Bong Go naman ang sa pangulo. Iniisahan si Mane. Dito nag-umpisa ang laglagan.
Pumutak si Mane. Huling-huli si Cusi. Hindi siya refinado kumilos. Pasok lang ng pasok. Bara-bara ang istilo niya. Bakit nga hindi si Mane ang itinutulak? Siya ang kandidato sa pangulo ng bansa ng PDP-Laban, isa sa mga lapian ng naghaharing koalisyon ni Duterte. Ngunit hindi siya ang itinutulak. Gumastos lang si Mane sa wala.
May usapan na phaseout ang grupong Davao sa 2022. Hindi sila maghahatag ng kandidato at mukhang si Mane ang napipisil ng ilang tao sa sindikatong Davao. Kahit hindi taga-Davao City, mukhang okey si Mane. Taga-Mindanao naman kasi siya. May ilang pagbabago sa script at dito nag-umpisa ang kalbaryo ni Mane. Naramdaman nila na malaki ang kalbaryo ni Duterte kapag nawala ang poder sa kanila. Kaya nagkukumahog na sila.
Mukhang si Bong Go ang itutulak ni Duterte. Hindi ang anak na si Sara. Hindi si Mane. Hindi si Bongbong Marcos. Mas lalong hindi si Alan Peter Cayetano. Ito ang ipinagpuputok ng butse ni Mane. Sa pagkahaba-haba ng prusisyon, hindi siya ang ikakasal. Pang-abay lang siya.
***
TUNGKOL sa isyu ng bakuna, bawal na sa Japan ang paggamit ng bakuna ng China. Hindi kinikilala doon ang DinoVac o ang Sinopharm. Kapang pumunta ang isang Filipino sa Japan, ayon kay Rene Bondal, isang manananggol na freedom fighter, tinatanong ng masinsinan kung nabakunahan na.
Kapag bakunang Intsik ang gingamit, ituturing ang Pinoy nawalang bakuna. Samakatuwid, kailangan na bakunan uli. Ibang tatak na bakuna ang gagamitin sa kanya. Hindi tatak China.
***
MAY post ang kaibigan namin si Ba Ipe. Nagtatanong kung bibitiwan ng Intsik si Duterte. Paano kung bitiwan ng China? Sino ang ipapalit at susuportahan? Si Bong Go o Sara?
WILL CHINA GIVE UP DUTERTE?
This is a nagging issue that has not been taken seriously. China has promised a lot to the madman – investments, infrastructure projects, doleouts and many things. But they have not come. That shows their low regard of him. Then, the pandemic has happened and China has donated one million doses of SiniVac, which the frontline health workers have been rejecting Very low esteem indeed. Their donation is only good for not even one tenth of one percent of Phl population.
We have not realized that China could give up the madman. The U.S. has taken a fairly strong position against China in its foreign policy shift. U.S. military forces, particularly the U.S. Navy, is taking a strong foothold of the South China Sea. It’s coming out from a position of strength. It is using the 2016 decision of UNCLOS Permanent Arbitral Commision as basis to keep the freedom of navigation there. At least $5.3 trillion worth of international commerce pass every year through its sea lanes. Hence, it should be kept open for worlds trade.
International reality shows that Duterte has outlived his usefulness for China. His subservience is no longer worth a dime. Wala na siyang silbi… Nakuha na ng China ang gusto dahil may base militar na sila sa WPS. Duterte does not have much leverage. He is a good as nothing politician, who is not worthwhile to keep. China knows Duterte is not thoroughly supported in PHL. His ruling coalition is crumbling as they have different candidates. He faces defeat in 2022. Before he fails, China is likely to jettison him like a no-deposit soda drink bottle.
Giving up on the Phl is not new for China. When China had a rapproachment with the U.S. in 1975, it virtually gave up its support for the CPP-NDF-NPA, which has been until now waging armed struggle. It was its way of saying, you were on your own. Bahala na kayo… Hindi na tayo natuto sa mga Beho… This could be similar to Duterte.
***
MAY karugtong ang post na iyan.
CHINA knows the madman couldn’t lead. All he knows is to kill. China knows he is lacy and nothing new in his head. The likely recourse is for China to develop an alternative to the madman. We don’t know who at the moment. But it won’t be Bong Go. He doesn’t have a winning face. Voters would reject him in 2022.
Besides, the ruling coalition is breaking apart because of conflicting ambitions of several candidates. China would likely put its eggs in many baskets, including the political opposition. It may develop somebody who is accepted to both Peking and Washington. Who knows? The U.S. change in its foreign policy is important.
***
MAGKIKITA ang mga kinatawan ng Estados Unidos at China sa isang pulong sa Alaska sa Huwebes at Biyernes. Matindi ang pag-uusap dahil tatalakayin ang relasyon ng dalawang bansa. Mismong ang foreign minister ng China ang darating. Hindi maaalis na matalakay ang isyu tungkol sa Filipinas. Pakibasa uli ang post ng aming kaibigan na si Ba Ipe:
“Formal talks are also fertile grounds for informal talks. We don’t know what happens on the sidelines. What are not normally taken in the formal talks are usually taken and discussed at the sidelines. Sometimes, fertile minds could concoct some scenarios. Since the issue of Rodrigo Duterte are not taken up in many formal documents, we could only surmise that everything is fluid. This would indicate that so many things have not been decided on Duterte. From the viewpoint of the U.S., Duterte is still up in the air.
“What if the U.S. convince China to give up Duterte because he has become expendable. The likely scenario is that Chinese money would not flow to the Duterte chosen candidate in 2022. So many things could therefore happen and Duterte is not sure of winning. Yes, Duterte is expendable. Even his people do not like him.”
***
MGA PILING SALITA: “It appears that there is a vacuum in oversight of an out-of-control PNP. Sec Año is on medical leave. Sinas is a part of the problem so can’t be a solution. He’s sick, too. Sen dela Rosa heads the Senate committee; he’s inutile. The President only works Monday. Incompetence, eh?” – Joe America, netizen
“Basta si Sec Duque ang nag salita ay lihis lagi sa katotohanan! Buti pa yong barker ng Jeep hindi ka ililigaw!! Etong Sec Duque pag sinakyan mo mga buga sa Funeraria ang bagsak mo!!” – Emong Canton, netizen
The post Naonse si Mane appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: