PATAY ang dalawang hinihinalaang criminal gang members sa ikinasang police operations ng PNP Anti-Kidnapping Group Miyerkules ng gabi sa Barangay Sta Cruz, Antipolo City.
Sa report ni PNP -AKG Luzon Field Unit Commander Colonel Villaflor Bannwagan kay AKG Director BGen. Jonnel Estomo, target ng kanilang operasyon ang grupo ni Reagan Gepulango.
Tinaguriang “armed and dangerous” ang grupo ni Gepulango na sangkot sa iba’t ibang criminal activities.
Nahaharap si Geguplango sa patumpatong na kaso at mayroong warrant of arrest mula sa sala ni Judge Antonio Gerardo Amular ng RTC Branch 35, 6th Judicial Region sa Iloilo City.
Kabilang sa mga kasong kinakaharap ni Gepulango ang carnapping, paglabag sa RA 9516, attempted homicide, attempted murder at murder.
Tinagurian si Geguplango na number 1 most wanted person municipal level ng Tigbauan MPS, Iloilo City.
Isisilbi sana ng mga operatiba ang warrant of arrest laban kay Gepulango pero bago nakalapit ang mga pulis pinaulanan na sila ng bala ng suspek, dahilan para mag-retaliate ng putok ang mga operatiba. (Mark Obleada)
The post No. 1 most wanted, 1 pa todas sa engkwentro appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: