NASAWI ang isang babae at isa pa ang sugatan nang madisgrasya ang sinasakyan nilang tricycle sa nakaharang na kable na napigtas ng dalawang trak sa A. Soriano Highway, Barangay Daang Amaya 1, Tanza, Cavite, Miyerkules ng umaga.
Kinilala ang nasawi na si Venus Calantog, 21 anyos, fish vendor; habang sugatan ang kapwa fish vendor na si Ian Reyes, 27.
Nakilala naman at isasailalim sa interogasyon ang mga truck driver na sina Erickson Torres, 41; at Marvin Juliata, 29, na nakasagi sa kable ng kuryente.
Sa ulat, 4:15 ng madaling-araw habang binabagtas ng Hino truck (NFY2390) na minamaneho ni ni Juliata ang nasabing highway nang masabitan nito ang kable ng telepono pero nagtuloy tuloy ito ng takbo.
Si Torres naman na nasa likuran lang ng Hino truck at minamaneho rin ang isang heavy truck trailer (RMT661) (AUA8248), sa halip na huminto at ayusin muna ang nagkumpulan na kable, ay nagtuloy-tuloy rin ng takbo hanggang sa sumabit narin sa gulong ng trak.
Dito na humarang sa highway ang mga kable na hindi naman maiwasan ng tricycle sakay ang mga biktima kaya nag-out of balance at tumaob.
Sugatang dinala sa Tanza Specialized Medical Center ang mga biktima pero napuruhan si Calantog kaya hindi na umabot ng buhay sa ospital (Irine Gascon)
The post 1 patay, 1 sugatan sa nakaharang na kable sa daan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: