Facebook

Paging DSWD: Daming nagso-solvent sa may Elcano corner Tondo at Binondo

Gusto ko lang ipaabot sa mga otoridad partikular DSWD itong mga nagso-solvent na mga bata at matatanda dito sa kanto ng Elcano st, Tondo at Binondo na nagkalat po. Bakit di hinuhuli at di na pinapansin ng mga pulis? Paki-abot na lang kay Mayor Isko, baka maaksyonan. Iba na kasi pag lango na sa solvent ang mga ito, wala nang takot gumawa ng kalokohan. Kawawa ang mga bata edad 6 lang tuyo na ang utak sa solvent. Salamat po sa inyo. Dont publish my number. God bless po

Marshall sa Quiapo
nangingikil sa vendors
Report ko lang po kay Yorme yong mga “marshall” sa Quiapo. Kasi para daw sa City hall yong mga sinisingil nila. Marami nang vendors ang umaangal sa kanila. Ang laki kasi nila maningil ng tarya. Sana malaman ni Yorme yong mga illegal na paniningil, hindi na makatarungan. Sabi etneb etneb lang. – Concerned citizen

Reklamo vs chairman ng
Barangay 66, Tondo
Good am po, Mayor Isko. Paki-pitik naman ng chairman ng Barangay 66 zone 6, Tondo, Manila. Kasi may clearing naman na dumaan nung isang araw sa Pacheco pero yung gate na nilagay nila sa daanan ayaw pabuksan. Akala ata pag- aari ng barangay lang nila. Sobrang obstruction na yung gate sa Madrid- Pacheco, ‘di na madaanan, tambayan at inuman pa, naging parking an pa ng mga motor, tabi pa ng barangay. Wala nang lockdown, Chairman. Kung ganyan gusto nyo, wag na din dapat kayo palabasin ng barangay nyo! – Concerned citizen

The post Paging DSWD: Daming nagso-solvent sa may Elcano corner Tondo at Binondo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Paging DSWD: Daming nagso-solvent sa may Elcano corner Tondo at Binondo Paging DSWD: Daming nagso-solvent sa may Elcano corner Tondo at Binondo Reviewed by misfitgympal on Marso 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.