Facebook

Tapos si Digong

SA ayaw o gusto ni Rodrigo Duterte, mawawala sa kapangyarihan ang puwersang tumatangkilik sa China. Hindi sila gusto ng Estados Unidos sa ilalim ni Pangulong Joe Biden. Nagpalit sila ng foreign policy at malaki ang ipinagkaiba sa dati. Hindi tatangkilikin ng Estados Unidos ang grupong Davao na pinamumunuan ni Duterte. Labis na kampi sa China si Duterte and ang mga alipures niya.

Malaki ang posibilidad na pagsabihan ng mga umiikot na sugo ng Estados Unidos si Duterte na tumabi-tabi na lang. Kung magpipilit si Duterte at hahamunin ang kapangyarihan ng Estados Unidos sa pamamagitan ng paglahok sa halalan ng 2022, malamang mahati ang kanyang koalisyon. Bibigyan siya ng mabigat na katunggali sa kanilang hanay, at tustusan ang kalaban upang masiguro na gagapiin sila sa halalan. Matatalo ang sinuman kina Sara, Bong Go, at Alan Peter Cayetano sa 2022.

Upang masiguro na hindi na siya makabangon, haharap siya ng maraming kaso sa loob at labas ng bansa upang makulong siya. Hindi malayo na magkaroon ng destabilisasyon sa kanyang pamahalaan upang masiguro na hindi ito makakapinsala sa mga mamamayan. Hindi matatahimik si Duterte sa hinaharap. Malaki ang posibilidad na makikipag-usap na lang siya sa susunod na administrasyon upang hindi siya makulong. Mahirap humarap sa mga asunto lalo na sa mga usapin ng karapatang pantao.

Kamakailan, niliwanag ni State Secretary Antony Blinken ang pagbabago sa foreign policy ng Estados Unidos. Sinabi niya na ibinigay ni Biden ang mga sumusunod na pangangailangan na kailangan harapin ng gobyerno: 1. tapusin ang pandemya na dala ng Covid-19; 2. buhayin ang ekonomiya ng Estados Unidos sa loob at labas ng bansa; 3. palaganapin ang diwa ng demokrasya sa buong mundo; 4. pagbabago sa imigrasyon, o pagtanggap ng mga dayuhan.

Kasama ang mga sumusunod: 5. pagpapalakas sa mga alyansa sa ibang bansa; 6. pagpigil sa pagbabago ng klima (climate change); 7. paniniguro sa liderato ng Estados Unidos sa larangan ng teknolohiya; at 8. pagharap at pagbaka sa China. Ipinaliwanag ni Blinken na kailangan harapin ng Estados Unidos ang hamon ng China bilang isang makapangyarihang bansa. Sa paningin ni Blinken, naging perwisyo ang China dahil sa paggawa ng mga kabalustugan na pumukaw sa daigdig.

Kilala ang China bilang isang tulisan sa mundo. Ito ang gumawa ng mga sumusunod (ipagpatawad dahil nasa Ingles): intellectual property theft, cyber-attacks of foreign cyber-networks, copyright infringements, unabashed patent violations, industrial espionage, non-recognition of foreign inventions, preposterous claim of ownership of almost all of South China Sea, dumping of cheap poorly copied manufactured commodities, debt traps of Third World countries, and poorly constructed infrastructure projects. Iyan ang reputasyon ng China; iyan ang “pulang kapitalismo” sa mundo.

Hindi si Manny Pacquiao ang kandidato ng Estados Unidos sa 2022. Mahirap maunawaan si Mane, palayaw ni Pacquiao. Hindi niya nauunawaan ang konsepto ng demokrasya na gustong ipalaganap ng Estados Unidos sa mundo at ibang kaalyado. Pinagtawanan si Mane nang minsan sabihin niya a “labis-labis” ang demokrasya sa Fiipinas. Hindi niya naintindihan ang pangunguna ng Saligang Batas bilang gabay at kaluluwa ng bayang Filipinas, ang pangingibabaw ng batas (rule of law) at tamang proseso (due proseso) at pagkatig sa karapatang pantao bilang pangunahing sandalan at pundasyon ng lipunan.

Hindi ganap na nauunawaan ni Mane ang pangangailangan ng tama at maayos na pamamahala (right governance), pananagutan (accountability), at debosyon sa pagbabago ng klima (climate change) at kabutihan ng mga bata (children’s welfare). Ito ang mga nilalaman ng konsepto ng Estados Unidos na uugit sa maraming bansa sa mga susunod na taon.

***

ANO ang haharapin ni Duterte kapag wala na siya sa poder? Kahit nandiyan pa siya, hindi tutugot ang puwersa sa demokrasya sa mundo upang mapahina siya at hindi maghari ang kanyang puwersa na pro-China sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2022. Bababa ang huling ulat ng International Criminal Court (ICC) upang managot si Duterte sa sakdal na crimes against humanity.

Nakatakdang palitan si Fatou Bensouda sa ika-16 ng Hunyo ngayong taon ng isang manananggol mula sa Britanya. Ngunit sa pagbaba ni Bensouda, isusumite niya ang ulat kung may batayan na panagutin si Duterte at mga kasama sa sakdal na crimes against humanity. Dito kinakabahan si Duterte at ilang matapat na kaalyado dahil sabit sila sila sa asunto.

Paano kung arestuhin si Duterte? Hindi makakaporma ang sinuman na kandidato niya sa 2022. Hindi papaniwalaan ang kanyang kandidatura sa madla. Hindi seseryohin kasi magiging abala sila sa pagtatanggol sa kanya sa ICC. Iba ang magiging focus at hindi ang halalan sa 2022. Bukod diyan, kikilos ang puwersa ng demokrasya para mawala si Duterte sa poder.

Sa pananaw ng Estados Unidos, hindi masyadong suliranin si Duterte. Hindi siya katulad ng mga mandirigmang Muslim na may mga matapat na tagasuporta na handang magpakamatay para sa kanilang simulain at ipinaglalaban. Hindi nga niya kaya magpalabas ng mga tagasuporta na sisigaw para sa kanya. Hanggang doon lamang sila sa kanila social media account nag-iingay.

***

DUMAGSA ang mga sugo ng ilang demokratikong bansa sa Office of the Vice President at nagpugay sila kay Bise Presidente Leni Robredo. Siempre, kasama na ang pangako ng suporta sa kanya. Hindi sila dumaan kay Rodrigo Duterte sa Malacanang. Nilampasan lamang siya.

Hindi nagbago ang kutis ng gobyerno sa kanilang pagbisita. Si Duterte pa ang nakaupo. Ngunit nangako ang ilang sugo na magbibigay ng donasyon ng bakuna sa Filipinas. Mahal ng mga demokratikong bansa ang Filipinas sa totoo lang. May paghanga sila sa mga mamamayang Filipino. Katulong ang mga OFWs upang palakasin ang mga kani-kanilang bansa. Gumaganti sila sa pagbibigay ng bakuna sa Filipinas.

Ngunit sayaw nila na dumadaan kay Duterte na alam nilang bastos, walang modo, at hindi positibo. Ayaw nila mapunta kay Duterte. People to people relations ang tawag diyan sa larangan ng diplomasya. Tao sa tao, sa maikli. Si VP Leni ang napili nila na tulay sa pagbibigay ng mga donasyong bakuna. Pupunta diretso sa organisasyon ng VP ang mga bakuna upang ipamahagi sa iba’t ibang panig ng Filipinas.

Hindi bago ang people to people relations sa saigsig ng diplomasya. Noong panahon ng diktaduya ni Ferdinand Marcos, dinadaanan lamang ng mga sugo si Marcos at diretsong ipiamumudmod sa mga tao ang anumang tulong. Walang kredito ang diktadurya sa mga tulong. Noong humagip si Yolanda sa silangang Kabisayaan, maraming bansa ang diretsong tumulong sa mga mamamayan.

Nang pumutok ang Bulkang Taal noon 2019, nagbigay ng maraming tulong ang USAID kasama ang Embahada ng Estados Unidos sa Maynila. Wala kahit anumang ayuda ang sumayad sa gobyerno ni Duterte. People to people relations ang nangyari doon. Hindi kailangan makipag-usap sa gobyerno ng nababangag na lider. Palasak iyan sa relasyon ng mga bansa.

***

QUOTE UNQUOTE: “Western democracies know compassion. They know we are a people in need. They want to donate vaccines for our people. They know we are nice people. But they don’t want to deal directly with the madman. They don’t want him to take credit for their donations. They know the madman wants to convert the Philippines into a monopoly market for China. They’ll give us vaccines that do not come from China. The more legitimate vaccines. That was the reason they broke protocol and dalt directly with the Office of the Vice President. What would happen next is people to people relations with no less than the Vice President in charge for the facilitation of the donations. The VP is expected to welcome those donations…. It’s her turn. Not the madman. Pang-Intsik lang naman ang buang.” – PL,neizen

“Let’ss be brutally frank about it. Rodrigo Duterte and his cohorts, notoriously called the “Davao Group,” are no bacteria or virus, which could mutate at the flick of their fingers. They are hardened criminals, who could not govern. They are scoundrels. Hence, they would not mutate against China. They are rabid pro-China scalawags, who will never be unabashed pro-U.S. They are incapable to transform into useful apostles, who could spread the gospel of democracy to the whole world. They are felons, plain and simple. It’s best to get rid of them. They serve no value and would only trigger the continuously free fall of the Philippine economy. By the way, U.S. State Secretary Antony Blinken has laid out Biden’s administration eight most urgent foreign policy priorities: ending the COVID-19 pandemic; reviving the economy at home and abroad; renewing democracy; reforming immigration; rebuilding alliances; tackling climate change; securing U.S. leadership in technology; and confronting China. Pro-China elements like the Davao Group would have to go to enable the Philippines part of the grand alliance against China. The sooner he goes, the better for all of us. No wonder, ambassadors of democratic countries are paying courtesy calls to the Vice President. “ – PL, netizen

The post Tapos si Digong appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tapos si Digong Tapos si Digong Reviewed by misfitgympal on Marso 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.