
NASAWI ang dalawang batang kapwa 3-anyos sa sunog sa isang bahay sa Caloocan City, Biyernes ng gabi.
Wala umanong naiwang nagbabantay sa mga bata nang sumiklab ang apoy sa residential house sa 190 Ana Bustamante St., 2nd Avenue, Barangay 43.
Sa report, isang batang babae at isang lalaki ang mga biktima.
Ayon sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, walang kasama ang dalawang bata nang sumiklab ang apoy.
Umabot lamang ng ilang minuto ang sunog, ngunit nang magsagawa ng mopping up operation ang mga firefighter, tumambad sa kanila ang sunog na katawan ng dalawang musmos.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa unang palapag ng dalawang palapag na bahay.
The post 2 paslit nalitson ng buhay sa Caloocan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: