
INIREREKLAMO ng mga residente ng isang barangay sa Sta. Rosa, Laguna ang isang crematorium dahil sa inilalabas nitong masangsang na amoy at maitim na usok.
Ang crematorium ay mismong pag-aari ng lokal na pamahalaan ng Sta. Rosa City. Ipinatayo ito dahil sa dami ng namamatay sa coronavirus sa lungsod.
Ayon sa isang kawani ng city government, maselan ang nasabing crematorium dahil bago pa iyon.
Napag-alaman mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Calabarzon Region na wala pang ‘permit to operate’ ang inirereklamong crematorium ng Sta. Rosa City government.
Sinabi pa ng DENR na may kulang na gamit ang crematorium kaya naglalabas iyon ng maitim na usok.
Dapat ay mayroong ginagamit na pollution control device ang crematorium upang ma-mitigate ang usok, sabi ng DENR.
Nagpadala na ng kinatawan ang DENR Calabarzon upang magsagawa ng inspeksyon sa pasilidad at upang pansamantalang maipasara hangga’t hindi nasosolusyunan ang paglalabas ng maitim na usok.
The post Mabaho at maitim na usok mula sa crematorium, inireklamo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: