Facebook

Gamot sa COVID-19 libre sa Maynila

BILANG bahagi ng kampanya ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila kontra pandemya ng COVID-19, libreng iaalok ng pamahalaang lungsod ang dalawang gamot na napakahirap hanapin at napakamahal na maaaring makapagbigay-lunas sa mga pasyente na may sakit na COVID-19.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, mayroon ang lokal na pamahalaang lungsod ng Remdesivir at Tocilizumab (Actemra 80mg) na maaaring makatulong sa COVID-19 patients na nasa severe at critical condition.
Aniya, nasa 1,000 Tocilizumab ang dumating sa lungsod ng Maynila nito lamang nakaraang araw kungsaan kahalintulad ng gamot na Remdesivir ay maaaring makatulong na malunasan ang mga nararanasang sintomas ng pasyente na may COVID-19 partikular na ang nasa severe at critical na kondisyon.
Ayon pa kay Domagoso, sa mga nagnanais na makakuha ng mga nasabing gamot ay maaaring makipag-ugnayan sa Manila Health Department o kaya ay tumawag sa hotline ng Manila Emergency Operation Center (MEOC). Maaari din aniya silang makipag-ugnayan sa pamunuan ng anim na pampublikong ospital ng lunsod – Gat Andres Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila, Sta. Ana Hospital at Justice Jose Abad Santos Medical Center. (Jocelyn Domenden)

The post Gamot sa COVID-19 libre sa Maynila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Gamot sa COVID-19 libre sa Maynila Gamot sa COVID-19 libre sa Maynila Reviewed by misfitgympal on Abril 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.