
NAKATAKDANG labanan ni dating world champion Nonito “ The Filipino Flash” Donaire Jr. si WBC bantamweight champion Nordine Qubaali ng France sa Mayo 29.
Ang laban, na ilang beses ipinagpaliban, ay magsilbing headline para sa Showtime Championship Boxing tripleheader, ulat ng Boxing Scene.
Ang venue ay anaasahang ianunsyo sa lalong madaling panahon.
Unang itinakda sa kalagitnaan ng 2020, dahil sa pandemic ay nakansela.
Muling itinakda ng Showtime ang laban sa December 12,2020.
Pero umatras si Qubaali sa laban matapos magpositibo sa COVID-19 isang buwan bago ang laban.
Ipinagkaloob kay Donaire ang interim WBC bantamweight title vs Puerto Rico’s Emmanuel Rodriguez, pero hindi natuloy matapos ang Filipino ay nagpositibo rin sa virus.
Lumaban si Rodriguez sa isa pang Filipino Reymart Gaballo na nagsikwat ang interim crown via split decision.
Donaire, na four-division champion, ay huling lumaban noong November 2019 nang mabigo sa 12-round decision laban kay Japanese superstar Naoya Inoue sa kanilang World Boxing Super Series (WBSS) Bantamweight Tournamnet finale.
The post Donaire vs WBC king Oubaali tuloy sa Mayo 29 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: