Facebook

2 patay sa sunog sa Makati at Maynila

DALAWA ang nasawi sa magkahiwalay na sunog sa lungsod ng Makati at sa Tondo, Maynila nitong Martes.
Kinilala ang mga nasawi na sina Cia Sophia Quilit, taga Tondo; at Jeremiha Rizon, 25, may kapansanan, sa Makati.
Sa report, Martes ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa residential area sa Pilapil St., Dagupan, Tondo, kung saan patay na nang matagpuan ang tatlong taon gulang na batang babae.
Itinaas sa ikatlong alarma ang nasabing sunog bago maapula.
Ayon sa Bureau of Fire, nagsimula ang sunog sa bahay ng pamilya Quilit sa ikalawang palapag.
Posibleng nakatulog ang biktima kaya hindi na ito nakalabas sa kanilang bahay.
Samantala, patay din si Rizon sa sunog sa Barangay Olympia, Makati City, Lunes ng gabi.
Mahigit isang oras bago tuluyang naapula ang sunog ng BFP.
Naapektuhan ang 18 pamilya na nakatira sa 12 mga bahay. (Gaynor Bonilla/Jocelyn Domenden)

The post 2 patay sa sunog sa Makati at Maynila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 patay sa sunog sa Makati at Maynila 2 patay sa sunog sa Makati at Maynila Reviewed by misfitgympal on Abril 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.