Facebook

Tanod ‘di nag-paawat, niratrat ni Tserman

TODAS ang isang lalaking tanod ng barangay nang barilin ng kanilang kapitan sa Bgy. Dammay, Santa, Ilocos Sur, Lunes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Elson Tolentino Bayya, 52 anyos, may asawa, chief tanod at residente ng naturang lugar. At ang salarin ay kinilalang si Mariano Benitez Umipig, Jr., 52, may asawa, barangay tserman.
Sa ulat, 8:00 ng gabi nang mag-aaway ang biktima at ang kanyang bayaw.
Nang hindi masaway ang biktima sa pakikipag-away sa kanyang bayaw, tinawag nila ang kapitan ng barangay na agad namang rumesponde.
Sinaway ng kapitan ang biktima pero sa halip na makinig ang huli ay bumunot ito ng patalim at inundayan ng saksak ang kapitan.
Nakaiwas sa saksak ang kapitan at bumunot ito ng baril at makailang beses pinutukan ang kanyang tanod.
Dinala pa ang biktima sa Ilocos Sur Provincial Hospital Gabriela Silang pero idineklarang dead-on-arrival.
Boluntaryo namang sumuko sa mga rumespondeng pulis ng kapitan ng barangay.

The post Tanod ‘di nag-paawat, niratrat ni Tserman appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tanod ‘di nag-paawat, niratrat ni Tserman Tanod ‘di nag-paawat, niratrat ni Tserman Reviewed by misfitgympal on Abril 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.