Facebook

Lider ng NPA at misis patay sa engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde

PATAY ang isang mataas na lider ng New People Army (NPA) at asawa nito sa engkwentro ng sa Trento, Agusan Del Sur.
Kinilala ang napatay na si Danny Huit ayas “Bosyong”, secretary ng Guerilla Front North of the Sub-Regional Command 1, Southern Mindanao Regional Committee; at asawa nitong si Naneth G. Catalino alyas Bambam/Keith, na nagsisilbing medic.
Ayon kay Lt Col Louie G. Dema-ala, Battalion Commander ng 67th Infantry “AGILA” Battalion, 9:00 ng umaga nang makaengkwentro ng mga elemento ng 67IB ang rebelde sa Barangay Sta Maria, Trento.
Sa report, mayroong 5 pending warrant of arrest sa kasong frustrated murder, Homicide, 2 counts ng arson at rebellion na ipinalabas ng Regional Trial Court Branches 7, 32 at 3 si Huit. (Mark Obleada)

The post Lider ng NPA at misis patay sa engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lider ng NPA at misis patay sa engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde Lider ng NPA at misis patay sa engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde Reviewed by misfitgympal on Abril 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.