Facebook

4 BIFF patay 7, sugatan sa sagupaan sa Maguindanao

Umakyat na sa apat ang nasawi at pito ang nasugatan sa mga terorista sa inilunsad na artillery bombardment sa lalawigan ng Maguindanao.
Kinilala ang mga nasawi na sina Salem Ansao, Mudin Ramla, alyas Saib at alyas Tato, habang pito naman ang nasugatan na mga tauhan ni Shiek Ismail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-ISIS inspired group).
Ayon sa ulat ng 601st Brigade, namataan ng mga sundalo ang grupo ni Toraife sa hangganan ng Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao at North Cotabato.
Binomba ng Joint Task Force Central ang BIFF gamit ang 105mm howitzers cannon.
Agad namang umatras ang grupo ni Toraife papasok ng Liguasan Delta at SPMS box.
Sinabi ni 6th Infantry (Kampilan) Division spokesman Lt. Col. John Paul Baldomar na nagbabalak umanong maglunsad nang pananalakay ang BIFF kaya nang mamataan sila ay agad binomba ng JTFC.
Sa ngayon, patuloy na tinutugis ng Joint Task Force Central ang BIFF na banta sa seguridad ng mga sibilyan sa Maguindanao.

The post 4 BIFF patay 7, sugatan sa sagupaan sa Maguindanao appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4 BIFF patay 7, sugatan sa sagupaan sa Maguindanao 4 BIFF patay 7, sugatan sa sagupaan sa Maguindanao Reviewed by misfitgympal on Abril 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.