Facebook

Gov. Jonvic at Mayor Isko, peace na!

Sinabi ni Cavite Governor Jonvic Remulla na ‘peace’ na sila ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso makaraan ang tila pelikulang linyahan sa Facebook post nitong Biyernes.
Tungkol ito sa kanyang komento sa ayuda ng mga ini-relocate sa bayan ng Naic na nagmula naman sa Maynila.
“Guys tigil na. Wala kaming away ni Yorme. Peace na kami so let’s move on,” wika ni Remulla sa tweet.
Sinabi nitong tinawagan siya ni Mayor Isko upang ipaliwanag ang kanyang hinaing.
“We had an understanding that in these stressful times we often say things we shouldn’t have.”
Umani ng mga komento at pagbabatikos ang pahayag ni Remulla tungkol dito.
“Yorme, alam ng lahat ang ambisyon mong maging Pangulo. Wala namang isyu don. Libre mangarap ang kahit sino. Pero sana ay huwag mong tapakan ang iba para lamang umangat ka. Hindi ka pa nga Pangulo ay ang yabang mo na,” lahad ni Jonvic.
“Hirap na hirap na nga kami dito, kami pa ang ginawa mong rason dahil sa pagka-atat mong sumikat. Sana, pag-aralan mo muna ang suliranin bago ka magpuputak ng walang kwenta.”
“Kung pagpapasikat lang ang gusto mo? Hindi mo kailangan mang-apak ng Caviteño.Wag kaming mga Caviteño ang pag-initan mo. Hindi ka namin uurungan,” dagdag pa nito.
Sinabi rin ni Remulla na nangako si Mayor Isko na tatawagan niya si Naic Mayor Jun Dualan upang magpaliwanag.(Jocelyn Domenden)

The post Gov. Jonvic at Mayor Isko, peace na! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Gov. Jonvic at Mayor Isko, peace na! Gov. Jonvic at Mayor Isko, peace na! Reviewed by misfitgympal on Abril 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.