Facebook

4 nasawi, 7 survivors, 9 missing sa sumadsad na barko

NATAGPUAN na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ilan sa 20 tripulante ng sumadsad na cargo vessel sa Surigao del Norte.
Kinumpirma ni PCG Spokesperson, Commodore Armand Balilo, na pito ang survivors at apat na ang na-tagpuang patay.
Kinilala ang mga survivor na sina Noli Labucay, Roger Polo (chief mate), Arjie Bacarra, Joejie Villanueva, Felipe Quebuen, John Renzo at isa pa na inaalam pa ang pagka-kilanlan.
Samantalang tanging si Norman Galon pa lamang ang napapangalanan sa apat na mga nasawi sa insidente.
Habang sinusulat ang balitang ito ay nagpapatuloy pa ang search and rescue operations ng coast guard para sa nawawalang siyam (9) pang mga tripulante ng Landing Craft Tank (LCT) Cebu Great Ocean.
Ayon kay Balilo, natagpuan ang mga crew sa bahagi ng baybayin ng Surigao area.
Sumadasd ang cargo vessel sa shoreline ng Barangay Cantapos, Malimono Surigao del Norte nitong Lunes dahil sa malalaking alon.
(Jocelyn Domenden)

The post 4 nasawi, 7 survivors, 9 missing sa sumadsad na barko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4 nasawi, 7 survivors, 9 missing sa sumadsad na barko 4 nasawi, 7 survivors, 9 missing sa sumadsad na barko Reviewed by misfitgympal on Abril 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.