Facebook

Bgy. kapitan sa Nueva Ecija ipinanghingi ng abuloy ang pasyenteng buhay pa sa ospital

NAGHIHIMUTOK ang mga kaanak ng isang lalaking nakaratay sa ospital sa Nueva Ecija nang malaman nilang nag-utos ang kanilang punong barangay na lumikom na ng “abuloy” para sa pasyente gayung buhay na buhay pa ito.
Sa ulat, sinabi ng mga kaanak na nasa ospital ang kanilang padre de pamilya na si Feliciano Fausto, residente ng Barangay Baybayabas, Talugtug, Nueva Ecija, dahil sa sakit sa bato.
Sa video, makikita si Fausto na nakakatayo at nakalalakad pa habang nasa ospital.
Pero ayon kay Nely Fausto-Pangyarihan, anak ng pasyente, kumalat sa kanilang barangay na patay na ang kaniyang ama dahil sa ipinanghihingi na ito ng abuloy na utos umano ng kanilang punong barangay.
“Nakakagalit po, masakit na masakit sa kalooban namin. Buhay pa po ang tatay namin inuutos na ng barangay captain namin na kumuha na ng abuloy,” saad ni Nely na nais magsampa ng reklamo laban sa kanilang barangay kapitan.
Iniutos umano ng Punong Barangay na si Nelia Garillo na mangalap na ng abuloy nang may nakarating umanong impormasyon sa kanilang tanggapan tungkol sa kalagayan ng pasyente.
Gayunman, aminado sila sa pagkukulang na alamin kung totoo ang natanggap na impormasyon.
“Ang ginagawa namin, may kaunting contribution sila na hindi naman ‘yan pinipilit. May association dito sa barangay namin sa mga senior citizen kung halimbawa may namatay, may tulong na tig-P100,” anang kapitana.
Ibabalik umano sa mga kabarangay ang nalikom na abuloy.
Hinikayat naman ng Municipal Local Government Operation Office ang pamil-ya Fausto na magpunta sa kanilang tanggapan at opisyal na magsampa ng reklamo laban sa naturang opisyal ng barangay.

The post Bgy. kapitan sa Nueva Ecija ipinanghingi ng abuloy ang pasyenteng buhay pa sa ospital appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bgy. kapitan sa Nueva Ecija ipinanghingi ng abuloy ang pasyenteng buhay pa sa ospital Bgy. kapitan sa Nueva Ecija ipinanghingi ng abuloy ang pasyenteng buhay pa sa ospital Reviewed by misfitgympal on Abril 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.