Facebook

Delivery rider runner ng ‘damo’ sa Pasay

TIMBOG ang isang delivery rider sa buy-bust operation sa Barangay 90, Pasay City, Martes ng gabi.
Sa report, nakunan ng mahigit 700 gramo ng marijuana ang 21-anyos na si alyas “Guyong” na nakipagtransaksyon sa loob ng isang bahay. May halagang P87,000 ang drogang nasamsam.
Nakunan din ito ng dalawang 9mm na baril ni “Guyong”, habang ang kanyang kasamahan nakilalang “JC” ay nakatakas nang tumalon mula sa ikatlong palapag ng bahay.
Nakunan sa CCTV ng kalapit na barangay na lumulundag-lundag sa isang paa si “JC” dahil nabali ang isa. Nakitang lumapit ito sa isang construction site para humingi ng saklolo at isinakay sa tricycle.
Hinahanap pa ng mga pulis si JC sa mga ospital sa Pasay at Parañaque City.
Nagpakilalang delivery rider si “Guyong” na hirap umanong maghanap ng pagkakitaan kaya nagbenta ng droga. Aminado itong kanya ang isang baril pero wala siyang lisensya para rito.
Sinabi ni “Guyong” na galing sa Baguio ang kanilang suplay ng marijuana.(Gaynor Bonilla)

The post Delivery rider runner ng ‘damo’ sa Pasay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Delivery rider runner ng ‘damo’ sa Pasay Delivery rider runner ng ‘damo’ sa Pasay Reviewed by misfitgympal on Abril 21, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.