GRABE talaga resulta ng lockdown.Hindi lamang ekonomiya o aspeto ng pananalapi ang apektado kundi pati estado ng kaisipan ng bawat tao.
Marami ang bumubula ang bibig sa galit dahil naitsapuwera umano sila sa napagkalooban ng tig 1K na ayuda mula sa national government dahil di raw sila kuwalipikadong bigyan.
WHAT?
Anong katarantaduhan ito? Walang sinabi ang Pangulong Duterte na kondisyon para mabigyan ng ayuda.Lahat dapat pagkalooban ng 1K dahil bilang ito para sa lahat.
Kaya nga tig isang libong piso lamang para lahat sayaran ng grasya.
Nagtuturuan ang mga taga DSWD, mga LGUs at mga barangay sa pinakahuling kapalpakang ito sa mga benipisyaryo ng 1K na ayuda.
Samaan lamang ng loob ang idinulot na tulong na ito ng gobyerno sa halip na ginhawa.
Sino naman ang matutuwa kung nakatanggap ng ayuda ang kapitbahay mo samantalang ikaw ay nananatiling nganga.
Sino naman ang di mapapamura kung yung kapitbahay mo nga sa tuwing may grasyang dumarating ay ipinatatawag pa o ipinasusundo ng barangay samantalang ikaw ay daan- daanan lang!
May favoratism ika nga o sadyang namumulitika ang inyong barangay officials?
Sa General Trias,Cavite kung saan ang alkalde ay si Ony Ferrer,bakit daw di binigyan ng 1K yung mga may sariling bahay at may sariling sasakyan?
Di rin kuwalipikadong tumanggap ng ayudang 1K yaong may mga mister sa abroad na nagpapadala ng remittance o yaong may mga kanag-anak sa ibayong dagat.
What the fuck.Mayor Ferrer.
Dyan lang sa bayan mo may ganyang klaseng diskriminasyon!
Tinatarantado nyo ang main at ultimate purpose ng gobyerno sa pagbibigay ng ayudang pinansiyal.
Ginagawan nyo ng paraan upang mapabor sa inyong mga political interest.
Kapag kaalyado mo Mayor Ferrer o kilalang barangay na balwarte mo,halos wala ng tanungan nakakapangyari at todo bigay na sa mga tao pero dun sa mga lugar na di ikaw Mayor Ferrer ang paborito,tila makunat kayo at mabagal sa pagbibigay ng tulong.
Again di nyo pera ‘yan Mayor Ferrer! Baka nakakakimot ka?
Again,di po natin sini-single out ang Gentri sa Cavite ha? Lahat naman po lalo na dito sa NCR ay nakakaranas o nakaranas ng ganyang bulok na istilo ng pamumulitika sa pamimigay ng ayuda.
Mabigyan ka man kundi man kakarampot ay namuti na mata sa kakaantay o kakanganga!
Anak talaga ng pitong kabayong buntis,kahit anong ganda ng programa ng pamahalaan na may layon ng pagtulong, natatarantado dahil sa pulitika at personal na interes.
Kaya nagkaka-Covid eh,gusto nang kalusin ng kalikasan ang mga ulol na tao dito sa mundo!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: