NAKABABAHALA ang babala ni National Task Force Against COVID-19 at vaccine czar Carlito Galvez Jr. na malaki ang posiubilidad ng pagtaas muli ng kaso ng COVID – 19 sa bansa.
Nakikitang lulubo muli ang bilang ng mahahawaan sa Hunyo at Hulyo ng taong kasalukuyan. Naku po! Dasal dasal po tayo mga kababayan. Tanging ang Panginoong Diyos na lamang ang talagang pag-asa natin kahit na may bakuna na.
Hindi naman siguro lingid sa inyong kalaaman na kahit na maturukan tayo ng bakuna ay hindi pa rin ligtas ang bawat isa sa nakamamatay na “veerus”. Kaya, ano ang dapat na gawin ng bawat Pilipino maliban ng 24-7 na manalangin? Walang ibang kung hindi sumunod din sa pinaiiral na health protocol.
Ang pagsunod ng health protocol po mga kababayan ay hindi lang para sa inyong saruli kung hindi para na rin sa seguridad ng bawat miyembro ng inyong pamilya o ating pamilya/mahal sa buhay.
Hindi naman siguro mabigat na resposibilidad ang pagsusuot ng face mask, face shield at palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon o alcohol. Ang panawagan ng pamahalaan na sumunod sa protocols ay hindi po para sa kanila kung hindi para sa ating kaligtasan din.
‘Ika nga, kahit na dasal ka nang dasal pero matigas naman ang ulo mo, sa tingin mo uubra ang inyong panalangin. Hindi ba may kasabihan na nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Wala pong mawawala sa atin kung sumunod tayo sa protocols. Mananatiling magandang lalaki at babae pa rin kayo sa pagsunod ng protocols.
Ano pa man, mabuti na rin at nakikita ng grupo ni Galvez ang maaaring mangyayari sa buwan ng Hunyo at Hulyo. Dalawa at tatlong buwan mula ngayon.
big sabihin, ngayon pa lamang at kinakailangang paghandaan ito ng pamahalaan. Hospital beds, equipments/mga aparato, gamot at iba pa. Yes, upang sa sinasabing nakakaalarmang buwan ay hindi na matataranta ang mga health workers natin.
Pero sana ay huwag naman mangyari ang nakikitang pagtaas ng COVID infected sa Hunyo at Hulyo.
Siyempre, sino nga ba ang may gustong mangyari ang “prediction” ni Galvez? Wala hindi po ba? Kaya para hindi mangyari ito, ang dapat indibiduwal ay nararapat na kumilos laban sa COVID 19. Hindi lang ang TF Covid ang humanda kung hindi ngayon pa lamang ang kumilos na tayo para “masunog” ang prediction ng TF.
Sa anong paraan para mapigilan – ngayon pa lamang ang nakikitang posibleng mangyari sa Hunyo at Hulyo? Uli, mga kababayan, Sumunod tayo sa health protocols kung gusto niyo pa makita ang pagsikat ng araw.
Walang ibang makapipigil sa nakikiitang mangyayari kung hindi tayong mga Pilipino. Magkaisa tayo habang ginagawa at gagawin naman ng pamahalaan ang lahat. ‘Ika nga, we’re co-workers of the government.
At siyempre, ang nakikita ng pamahalaan na mangyayari sa Hunyo/Hulyo ay isang malaking hamon sa kanila. Oo, sana bago darating ang sinasabing buwan ay lahat o majority na ay mapabakunahan na ng pamahalaan.
Dapat siguro hindi lang 50% ang nabakunahan na bago ang “prediction” months ng TF kung hindi 100% or 90% na partikular na sa Metro Manila o ang covered ng NCR plus bubble (Rizal, Laguna, Cavite, at Bulacan).
Hindi naman siguro mission impossible sa pamahalaan ang hamon na parating sa Hunyo/Hulyo kung ito naman ay kanila nang pinaghahandaan…pero sana panalangin ko’y hindi na mangyari ito.
Sana mabakunahan na ang lahat – kunsabagay, parating na ang milyon plus na iba’t ibang klase ng bakuna.
Uli, MAGKAISA tayong lahat – MANALANGIN at SUMUNOD sa protocols.
Walang imposible sa DIYOS.
Salamat ay isinama na rin ng pamahalaan ang mamamahayag sa listahan ng A4 priorities para sa mga mabakunahan. Salamat po Panginoong.
The post “Prediction” ng NTFA Covid-19, kaya natin pigilan ito… appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: