MAHIGIT isang taon na mula nang mag-umpisa ang pandemya.
Habang tumatagal, dumarami ang mga apektado at nawalan ng trabaho.
Pilay at mahina ang mga negosyo.
Kumbaga, halos sagad na talaga ang krisis sa buong mundo.
Sinasabing siyam nga raw sa sampung Pilipino ang sapul ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Unang-una sa listahan ng mga prime commodities na tumaas ang halaga ay ang bigas.
Lintik naman ang presyo ng de-latang pagkain at inuming matatamis.
Pinapalagan din ang taas-singil sa kuryente, liquefied petroleum gas o LPG, gamot, pati na raw ang internet at cellphone load.
Ngayong Mayo 1 (Sabado), Araw ng mga Mangagawa, ipinagdiriwang natin ang kagitingan ng mangagawang Pinoy.
Mahalaga ang ambag nila sa pag-unlad ng ating bansa.
Sa kabila ng pandemya, nakikita ang husay at abilidad ng lahi natin, hindi lamang dito sa Pilipinas, kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo.
Laging may nginangawa ang mga manggagawa tuwing Araw ng Paggawa o Labor Day.
At lagi rin namang nandiyan ang administrasyong Duterte para dinggin ang kanilang mga daing.
Pinapahalagahan ng gobyerno ang kanilang pagpupunyagi at pagsisikap.
Bagama’t maraming pagsubok na pinagdaanan ang lahat dulot ng pandemya, tunay na napanday ang loob at diwa ng uring manggagawa ng mga karanasang nagbigay-aral at lalong nagpatatag sa kanila.
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng labor day, hangad ng inyong lingkod ang patuloy na kagalingan, sa pangangatawan at sa pag-iisip ng bawat obrero.
Mabuhay ang mga Manggagawang Pilipino!
ESSENTIAL NA DONASYON PARA SA
OSPITAL NG MUNTINLUPA (OSMUN)
NAKATANGGAP nga pala ng essential na donasyon mula sa pribadong sektor ang Ospital ng Muntinlupa (OSMUN).
Ayon kay PUBLIC INFORMATION OFFICE (PIO) CHIEF TEZ NAVARRO, ang Intensive Care Unit (ICU) equipment na kinabibilangan ng ilang cardiac monitors at isang infusion pump ay mula sa Philippine Business for Social Progress (PBSP) sa pamamagitan ng DOW at Flour.
Kaya naman, sa isinagawang virtual turn-over ceremony, taos-pusong nagpasalamat si OSMUN DIRECTOR DR. EDWIN DIMATATAC sa PBSP, DOW, at Flour sa nakuha nilang donasyon.
Makatutulong nga naman ito sa healthcare management ng kanilang ospital para sa mga COVID at non-COVID patients.
Sinasabing maliban kay Dimatatac, dumalo rin sa aktibidad sina OSMUN CHIEF NURSE ESTER ROMANO at DR. ORLANDO DIOMAMPO.
***
BELATED Happy Birthday nga pala kay BOSS JOEY VENANCIO. You are a wonderful person, a true leader, and a man with a big heart. Stay safe & God Bless po, Sir!
***
PARA naman sa inyong mga reaksyon, suhestiyon, reklamo, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook, Twitter, Instagram, at FB accounts. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat at stay safe!
The post Ang kagitingan ng manggagawang Pinoy at ang donasyon para sa Ospital ng Munti appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: