ANG tataba ng utak ng mga taga-Quezon province. Mantakin nyo, nakaisip agad sila ng ibabansag sa kanilang Gobernador na si Danny Suarez makaraang ipangalandakan nito na nakakuha na raw ng Sputnik V vaccine ang kanyang nasasakupang lalawigan.
Ang sabi kasi ng reliable source ng Congress Files, maraming nakapanood sa Facebook sa interview ni Governor Suarez sa press briefing ng National Press Club (NPC) noong nakaraang Biyernes, April 23, 2021 na mga taga-Quezon province.
“April 14, dumating na yung Sputnik namin galing Russia. On that line, Sinovac 5,545, Astra-seneca 871. Sputnik wala yung numero pero nasa amin na. I reconfirmed it with our provincial head. Gamaleya Sputnik ang pangalan. Ang balita ko kasi dito sa Sputnik hindi isinama sa region nandun lahat accept Quezon. Kaya nga tinawagan ko si Secretary Francis Duque. Alam mo naman matagal ko ng kaibigan yun, I called him the other day sabi ko Francis ba’t wala akong Sputnik,” pagmamalaking sinabi ni Suarez sa NPC press briefing.
Gayunpaman, hindi naman niya binanggit kung ilang doses ng Sputnik V vaccines ang nakuha ng Quezon at kung may pasilidad sila para sa storage requirement para sa nasabing bakuna.
Dito nagsimula na siyang (Gov. Suarez) nabansagang “Boy Sputnik” ng kanyang mga botante. Hahaha, katuwa naman kayo!
Aba teka lang, di ba’t ito ‘yung kalaban ng OXO, Commando at Batang City Jail? Heheheh.
“Maliban na lamang kung magpapakita siya ng pruweba na nakakuha na nga ng Russian-made vaccine Sputnik V ang Quezon. Kung hindi pa, ay naku, palpak ang diskarteng ito dahil binibigyan nya lang ng kawalang-pagasa ang mga taga-Quezon sa gitna ng paglobo ng covid 19.”
Ito ang nag-aalimpuyo sa galit na tanong ng Quezon Rise Movement (QRM), isang bagong tatag na civil society movement na sumisigaw ng pagbabago sa lalawigan.
Sa latest news kamakalawa, na-delay ang dating nga Sputnik V vaccine sa ating bansa gawa ng wala yatang direct flight patungo sa Pilipinas at kailangan pang tiyakin na may paglalagyan ang nasabing bakuna na may temperaturang minus 18 degrees Centigrade. At hindi lahat ng Local Government Units (LGUs) ay mabibigyan ng Sputnik V, ayon sa Department of Health.
Hindi kaya nahihibang itong si Governor? Alam ko matalino ‘to e! O baka naman maling impormasyon ang ibinigay sa kanya? Hala, lagot!
Isa kasi ang Quezon sa mga LGUs na matamlay ang pagtugon sa covid 19, na may 2.9 percent lamang ang vaccination rate. Sa mahigit 2 milyong populasyon ng lalawigan, nasa 14,000 ng mga residente rito ang nabakunahan na, pinakababa sa LGUs na nakatanggap ng bakuna sa buong bansa.
***
SSS North Fairview HOA, planong
manipulahin ang eleksyon?
MAY nakapagsabi sa Congress Files na may plano raw ang incumbent leadership na manipulahin ang nakatakdang election of officers kaya na-postponed ito.
Ang kwento sa Congress Files, plano raw i-disqualify ang isang kandidato na tatakbong presidente dahil may tang-uts yata sa monthly dues.
Base sa nakasaad sa liham na inilabas ng SSS North Fairview HOA dated April 26, 2021, “The Association By-laws provides that among the rights and privileges of a member IN GOOD STANDING is to be able to vote on all matters brought before the members, to be eligible to elective or appointive office of the association.”
Further, Board Resolution No. 2018-001 provides that homeowners/members who are in default and in arrears for more than six months in the payment of monthly association dues shall be considered as NOT OF GOOD STANDING and shall not be allowed to vote, be nominated, elected and or appointed as director/officer of the Association.
So, ayan ang pagkakaiba. Kung walang utang GO! Kung may utang, TSUGI!
Ang kwento pa ng reliable source, binayaran na raw nung tatakbong presidente ang kanyang tang-uts bago pa man siya nag-file ng kanyang kandidatura. Pero pilit pa rin daw gumagawa ng paraan ang kalaban para tuluyan na siyang ma-disqualify.
Ang balita pa, nag-appoint daw umano ang incumbent leadership ng mamamahala sa eleksyon o yun tatayong “comelec” para ito ang sumala sa mga aspirante. Pero balitang tsinugi na yata ang “comelec.” Mabuti naman!
Isa pang katanungan ng mga residente, bakit hindi nakararating sa aming kaalaman na may board resolution na ang bawat polisiya na inyong ipinatutupad na polisiya o proyekto?
Kami ang bumubuo ng homeowners association at kayo lang ang namamahala, hindi taga-dikta!
Sa tagal ng aking paninirahan dito, wala akong nabalitaang nagpatawag ng general assembly ang sinumang pamunuan para hingin at pakinggan ang opinyon ng bawat residente.
Wala rin kaming natatanggap na statement of account ng mga proyektong ipinagawa at gagawin pa.
Para sa kasalukuyang liderato, magpatawag kayo ng general assembly bago ganapin ang eleksyon para marinig nyo ang mga hinaing ng mga residente. ‘Wag nyo kaming diktahan bigla!
The post “Boy Sputnik”, siga ng Quezon appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: