SA pandemyang ating dinaranas dagdag pa ang mga nakalilitong atas mula sa mga naitalagang INTER-AGENCY TASK FORCE (IATF) OFFICIALS ay hinde katakatakang mawiwindang ang mga tagasunod tulad sa insidente ng LUGAW na posibleng magkakalugaw-lugaw rin ang P22.9 bilyong pondong ayuda dahil sa sistemang ipinaiiral sa bansang nakukulapulan ng kurapsiyon.
Bakit nga ba naging tanyag o nag-viral ang insidenteng LUGAW ? Kasi po.., resulta ito sa kawalang UNIFORMITY sa pagpapairal ng NATIONAL at ng LOCAL GOVERNMENT UNITS (LGUs).
Ipinairal ng IATF nitong nagdaang linggo na ang CURFEW para sa muling ipinairal na ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE (ECQ) ay mula 6:00 pm hanggang 5:00 am maliban sa mga ESSENTIAL NEEDS tulad sa mga establisimiyentong may kinalaman sa pagkain.., yun nga lang kailangan ay takeout kaya ESSENTIAL ang FOOD DELIVERIES tulad ng mga motorcycle food deliveries. Kaso may naging pahabol si PAMBANSANG TAGAPAGSALITA HARRY ROQUE na depende pa rin sa ipaiiral na restrictions ng mga LGUs.
Nitong March 27, 2021ay naglabas ng panuntunan ang IATF sa pagpapairal ng ECQ para sa NATIONAL CAPITAL REGION (NCR) at sa ilang piling lugar na kinabibilangan ng BULACAN .., pero kinabukasan ang SAN JOSE DEL MONTE CITY COUNCIL ay nagpasa ng RESOLUSYON na ang mga establisimiyento kahit mga restoran o karinderya ay sarado pagsapit ng 6:00 pm hanggang 5:00am.., kaya taliwas ito sa ipinairal ng IATF NATIONAL.
Resulta, noong may rider na nagdeliver ng LUGAW ay hinarang sa BARANGAY CHECKPOINT at hinde pinayagang makapagdeliver na kontodo explain pa si ATENG LUGAW..,, yun nga lang e namali ng bitaw sa salitang HINDE ESSENTIAL ANG LUGAW at na-bash tuloy ito sa SOCIAL MEDIA.., yun naman pala e may katuwiran si ATENG LUGAW dahil nga naman sa kanilang CITY RESOLUTION na pirmado nina CITY MAYOR ARTHUR ROBES at CDRRM OFFICER GINA TOLENTINO AYSON na sarado na ang lahat pagsapit ng 6:00 pm hanggang 5:00 am.
So, ang siste e NAGKALUGAWLUGAW este… nagkaligawligaw o hinde naintindehan ng lahat na mga nakakita sa nag-viral na fb posts kung ano ang naging ugat sa nasabing insidente.., na kung ang ipinairal ay UNIFORMITY o kung ano ang panuntunan ng NATIONAL e siya ring dapat sinunod ng LOCAL ay hinde sana NAGKALUGAWLUGAW… este hinde na sana sinapit ang gayong sitwasyon.
Tulad ngayon, inaasahang matatanggap na ng mga nasasakop ng NCR+BUBBLES ang pondong AYUDA na may kabuuang P22,915,422,000 na laang ipamahagi sa bawat indibiduwal na naapektohan nitong ECQ March29 hanggang April 4.., yun nga lang hinde tulad noong nakaraang taon na ang ayuda ay P8,000 per family dahil ngayon ay tig-P1K bawat indibiduwal o sa bawat pamilya ay 4 na miyembro lamang ang makatatanggap ng tig-1K o P4K per family kung 4 o pataas pa ang bilang ng kanilang family members.., siyempre, kung 2 o 3 lang ang miyembro ng pamilya ay iyon lamang ang tatanggap ng tig-P1K.
Eto na naman ang pahayag ng PAMBANSANG TAGAPAGSALITA at ng DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) na ang AYUDA CASH ay nasa pagpapasiya na naman ng LGUs kung CASH na ibibigay o in KIND… woww.., kaya naman maraming mamamayan ang nananawagan na ibigay ng CASH at hinde in KIND.
Kasi nga naman, marami ang na-trauma nitong nagdaang taon dahil KINATKONG ng mga POLITICIAN mula sa GOVERNOR hanggang BARANGAY OFFICIALS na ang natanggap na lamang ng karamihan ay P4K.
Sa pananaw ng ARYA… dapat ay isang sistema lang ang ipairal na pagbibigay at yan ay ang CASH SYSTEM kesehodang ipansugal o ipang-toma ng mga benepisaryo.., mahalaga e buo na maibigay ang AYUDA at hinde makakatkong ng CORRUPT OFFICIALS.
Huwag ibigay “INKIND” dahil kukunsumo pa ng panahon at workforce.. biruin nyong mananawagan pa ng mga boluntaryong mag-iimpake ng goods na ang magiging laman bawat supot ay hinde na katumbas ng P1K at suwerte na naman ang pagkukunan ng goods dahil kikita at kokomisyon si POLITICIAN.., kaya, ang dapat na iatas ay ibigay ang CASH at huwag bigyan ng tsansang makapangupit ang CORRUPT OFFICIALS!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.
The post Ayuda magkakalugaw-lugaw rin? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: