Kami Ay Taga Brgy. 119. Nag-Lockdown Ng 12.00 o’clock Dated 29 March 2021. Nung Umaga Marami Sa Amin Ang Hindi Nakapasok Ng Trabaho. Lahat Ng Daanan Nilagyan Ng Yero At Closed Ang Main Road Ng Quezon. Sana Ang Main Road Hindi Nilagyan Ng Harang, Hindi Makadaan Ang Mga Jeep. Ang Curfew 6pm. Ang Uwian Ng Pumapasok Galing Trabaho 9pm To 10pm. Kaya Ang Iba Hindi Na Pumapasok, Nag-leave Nalang Dahil Sa Curfew. At Walang Binigay Na Ayuda. Kung Papasok Sa Trabaho Late Na. Ang Layo Ang Pinapasukan. Ang Chairman Ng Brgy. 119 Mayabang Magsalita, Huwag Daw Siya Subukan .Weather Weather Lang Sa 2022, Malapit Na. – Residente ng Brgy 119
Balewala na sa jeep ang health protocols
Magandang hapon po. Paano po ‘di dadami ang covid e ang mga nagpapatupad ng health protocol ay parang balewala na sa kanila. Katulad halimbawa po ang mga jeep na biyaheng Gasak-Recto, Gasak-Divisoria siksikan kung magsakay, may sabit pa. Bakit ‘di hinuhuli? Kaya maraming nagkahawaan mga bulok ang sistema. Magaling lang sa balita. – Concerned citizen
Pigtingin ang ordinansa at protokol
para masugpo ang Covid-19
Kailan matututo ang ating mga kinauukulan sa pagsugpo sa mga iba’t ibang bisyo sa iba’t ibang barangay. Dapat paigtingin ang pinapairal na ORDINANSA sa bawat barangay para maiwasan ang hawaan sa laganap na COVID19. Ang mga pasaway na mga tambay, mga lasenggero dapat hulihin at ikulong. At ang mga tindahan na nagbebenta ng mga ALAK pagmultahin ang mga ito para maramdaman ng mga sumusuway sa protocol ng ating gobyerno. – Concerned citizen
The post Reklamo ng residente ng Brgy. 119, Manila appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: