
GUMAWA ng kasaysayan si Donnie Nietes sa kanyang muling pag-akyat sa ring, matapos idispatsa si Pablo Carillo ng Columbia para masikwat ang WBO international junior bantamweight title sa Caesars Palace Bluewaters Dubai on Easter Sunday, Manila time.
Sa kanyang edad na 38-year-old dating 4-division world champion ay pinatunayan na meron pang natitira sa kanyang bayong para gibain ang mas batang kalaban sa pamamagitan ng unanimous decision.
Sinikap ni Carillo na itumba si Nietes sa pamamagitan ng malalakas na bomba pero ang Filipino boxer ay nangibabaw ang ring IQ, tumatama ang counter right hands at uppercut na hindi kayang tumbasan ng lakas ni Carillo.
Ang judge ay umiskor ng 96-95,98-92,99-91, lahat pabor kay Nietes.
Dahil sa panalo, ay umangat ang rekord ni Nietes sa 43-1-5, habang si Carillo nalaglag sa 25-8-1.
Ito ang unang laban ni Nietes matapos matingga ng mahigit dalawang taon.
Huli siyang lumaban noong December 31,2018 sa Macau,giniba si Kazuto Loka ng Japan via split decision para maangkin ang WBO junior bantamweight title.
Subalit, binakante ni Nietes ang trono matapos tumanggi na labanan ang kababayan na si Aston Palicte sa ikalawang pagkakataon.
Sinabi nya na mas gusto nyang makalaban ang kahit sino sa tatlong hari ng super flyweight division,kabilang sina Juan Francisco Estrada,Roman Gonzales at Srisaket Sor Rungvisai.
The post Nietes giniba si Carillo sa Dubai appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: