Facebook

‘Di accurate ang PCR test’

NAPANOOD ko ang video ng presscon ni Cebu Governor Gwen Garcia. She’s questioning the accuracy of PCR machine, ang gamit sa swab test. Aniya, di accurate.

Say ni Garcia, yung dating kasamahan nya sa 16th at 17th Congress na taga-Mindanao ay tumawag daw sa kanya para hu-mingi ng tulong. Dahil ang misis nito na isang Justice sa Court of Appeals ay nagpositibo sa Covid-19.

Ito kasing lady Justice, sabi ni Garcia, ay nasa Cebu. Bago ito bumalik ng Mindanao ay nagpa-swab test muna. Kahit wala pa ang resulta ng swab ay lumipad na ito pabalik ng Mindanao. Pagdating sa Davao airport ay nagpa-swab uli ito at hinintay ang resulta. Negative.

After three days, tumawag ang Cebu na positive ang lady Justice sa Covid-19. Nagtaka raw ang pamilya sa magkaibang resulta ng Cebu swab at Davao swab. Tumawag itong Congressman kay Garcia para humingi ng tulong para maipadala sa kanila ang resulta ng swab test sa Cebu at maikumpara sa swab sa Davao airport kung bakit magkaiba ang kanilang resulta.

Marami nang ganitong kaso, sabi ni Garcia.

Another case, sabi ni Garcia, ang brother in law ng isa sa board members sa Cebu ay nagpa-swab rin kahit walang nararamdaman sa kanyang katawan. Nag-positive rin ito sa swab, asymptomatic. Kaya nag-isolate ito sa isang hotel, P7K a day ang ba-yad. At lahat ng kasama ng pasyente sa bahay pati ang Board Member ay nagpa-swab din, negative.

Sa kanyang ikatlong araw sa isolation, tinawagan ito ng pa-milya kung ano na ang kanyang kalagayan. Wala naman daw itong nararamdaman kahit ano sa kanyang katawan. At sa ika-6 na araw, wala parin itong anumang nararamdaman, normal lang. Kaya nagpumilit itong magpa-swab uli dahil baka false positive ang resulta ng unang swab. Nung una, ayaw daw itong payagan na magpa-swab uli, pero nagpumilit ito. Ang resulta: Negative na!

Isa pang kaso, sabi ni Gov. Garcia, sa isang barangay sa Madridejos, Cebu, isang construction worker ang nagpositibo sa swab test kahit walang anumang nararamdaman sa kanyang katawan. Kaya pinasok ito sa quarantine facility. Binantayan ng health workers. Pero ilang araw na ang nakararaan ay wala naman nakitang anumang symptoms sa pasyente. Normal lang ito. Naawa na raw ang barangay kapitan dahil marami itong pinakakain. At silang barangay ang nabibigay dito ng ayuda. Kaya pina-swab test daw uli. Pero bago pinare-swab ay pinamumog daw muna ito ng mainit na tubig na may asin. Resulta: Negative!

Kaya common knowledge na ngayon sa Cebu na bago magpa-swab ay magmumog muna ng mainit na tubig na may asin para negative. Hehehe…

Ang mga kasong ito ay katulad din ng kaso ng kaibigan ko. Dahil uuwi sya ng province, kailangan nya ng swab test bilang isa sa requirements para makasakay ng barko at makapasok siya sa bayan nila.

Tatlo silang nagpa-swab test sa Philippine Red Cross sa Port Area, Manila. Laking gulat niya na nag-positive siya at ang dalawa niyang kasama sa bahay negative. Pero wala naman siyang anumang nararamdaman maliban sa pagka-stress nang malamang napositibo siya. Gayunpaman, nag-self quarantine siya. Higit 1 week na siya ngayong nagkulong sa bahay nila kasama ang dalawa niyang kapamilya. Wala parin silang nararamdaman kahit manlang sipon o ubo.

Sabi ko, magpa-swab test uli siya ngayong Lunes sa ibang laboratory naman sa Maynila para malaman kung ano naman ang resulta.

Oo! Kaya yung mga walang nararamdaman dyan na nagpositibo sa swab test, magpa-swab uli kayo sa ibang laboratory. Tingnan ninyo kung ano ang resulta. Pag magkaiba, isampal nyo sa mukha nila. Aba’y lalo kang magkakasakit sa iba’t ibang resulta ng swab test! Mismo!

The post ‘Di accurate ang PCR test’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Di accurate ang PCR test’ ‘Di accurate ang PCR test’ Reviewed by misfitgympal on Abril 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.