Facebook

Nanakit sa 65-anyos Fil-Am sa NY arestado

NAHULI na at agad kinasuhan ang lalaki na nanakit ng 65-anyos na Filipino-American sa New York City.
Sa inilabas na pahayag ng New York Police Department, ang naarestong suspek ay 38-anyos na si Brandon Elliot, isang“homeless” at 17 taon nakulong dahil sa pagpatay sa kanyang ina.
Nahaharap sa two counts of second-degree assault si Elliot at one count of attempted first-degree assault at maari siyang makulong ng hanggang 25 taon.
Sa inilabas na security camera footages, napanood ang ilang beses na pagsipa ng black American kahit nakahandusay na ang biktima.
Nakita rin sa video na marami ang nakasaksi sa pananakit ngunit walang tumulong at may isa pang hotel worker na isinara ang pinto ng establisyemento.
Matapos magamot sa ospital, naka-uwi narin ang biktima.
Natunton si Elliot sa isang hotel na nagsisilbing “homeless shelter.”
Umani ng pagkondena sa buong mundo ang tumataas na bilang ng “hate crimes” laban sa Asian Americans sa US.

The post Nanakit sa 65-anyos Fil-Am sa NY arestado appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nanakit sa 65-anyos Fil-Am sa NY arestado Nanakit sa 65-anyos Fil-Am sa NY arestado Reviewed by misfitgympal on Abril 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.